Press Release June 21, 2025 Statement of Sen. Idol Raffy Tulfo on rising tension in Iran and Israel: Itinaas na ng DFA ang alert level sa Iran at Israel sa Alert Level 3 effective June 20 sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. Sa pinakabagong update ni DMW Secretary Hans Cacdac sa akin bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, sinabi niya na mula sa 30,742 na Pilipino sa Israel, 187 OFWs na ang humiling na sila ay ma-repatriate. Ang first batch na 26 katao ay lilipad na pabalik ng Pilipinas sa darating na Lunes. Ayon naman kay DFA Undersecretary for Migration Affairs Eduardo De Vega, hindi tataas sa 30 out of 1,180 na Pilipino naman sa Iran ang humiling sa kanila na makauwi na ng Pilipinas. At kasalukuyan pa nilang pinoproseso ang pag-uwi ng ating mga kababayan sa Pilipinas. With this development, we are earnestly encouraging more of our kababayans in both countries to evacuate and leave crucial areas to ensure their safety. Bagamat ang alert level na ito ay hindi pa nangangahulugang puwersahang paglikas at voluntary repatriation pa lamang, mas makabubuting lumisan patungo sa mas ligtas na lugar o magpa-repatriate na para sa inyong kapakanan at kaligtasan. Nakahanda ang buong puwersa ng ating gobyerno upang tumulong sa inyo pabalik ng bansa at makapagsimulang muli, kaya hinihikayat ko po na kayo ay makipag-ugnayan sa ating mga opisyales at ahensiya. Dasal ko rin po ang kaligtasan ninyong lahat, maging ng mga opisyal na tumutulong sa ating mga OFWs.
|
Monday, July 14
Sunday, July 13
|