Press Release
June 18, 2025

Newly appointed PNP chief Torre's reforms in the police force get backing from Jinggoy

SENATE President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada backed the reform initiatives of newly appointed Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III, saying that ramping up efforts on police response is not only necessary but long overdue.

"Mahalagang-mahalaga na may tiwala ang publiko sa kapulisan. Kapag nakikita nilang may integridad at propesyonalismo ang mga pulis, mas magiging bukas ang mga tao na makipagtulungan sa paglaban sa krimen at sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating mga komunidad," said Estrada.

Estrada, chairperson of the Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, said he has been closely monitoring the policy changes in the country's police force implemented by Torre and acknowledged that revamps are necessary during these challenging times.

While he had reservations about Torre's assumption to the post, the Senate leader noted that Torre's early actions reflect a deep understanding of the urgent reforms the institution requires.

"Leadership is not about grandstanding - it's about knowing where to take the institution and having the courage to make tough calls," the seasoned lawmaker said, referring to Torre's decision to relieve key police officials who failed to meet his five-minute police response time benchmark.

Estrada likewise gave a thumbs up to the implementation of eight-hour work shifts for police officers, which he said would allow law enforcers to enjoy better work-life balance. He added that this change can help ensure they remain focused and engaged while on duty, ultimately benefiting both the officers and the communities they serve.

While acknowledging that systemic issues cannot be solved overnight, Estrada emphasized that reforms - such as enforcing strict accountability among erring officers, modernizing the agency's technology, and strengthening unity and morale within the ranks - are crucial steps toward building a professional, responsive, and trustworthy police force.

Estrada also underscored the need to ensure the welfare and morale of rank-and-file officers, saying reforms must be balanced with just treatment and incentives for those who serve with integrity.


Mga reporma ni PNP chief Torre sa hanay ng kapulisan, suportado ni Jinggoy

SUPORTADO ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang mga ipinatutupad na reporma ng bagong talagang Philippine National Police (PNP) chief na si Gen. Nicolas Torre III habang kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pinabilis na police response na aniya ay hindi lamang kailangan kundi matagal na dapat ipinatutupad.

"Mahalagang-mahalaga na may tiwala ang publiko sa kapulisan. Kapag nakikita nilang may integridad at propesyonalismo ang mga pulis, mas magiging bukas ang mga tao na makipagtulungan sa paglaban sa krimen at sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating mga komunidad," ani Estrada.

Sinabi ni Estrada, chairperson of the Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, na kanyang susubaybayan ang mga bagong patakaran sa hanay ng pulisya sa ilalim ng pamumuno ni Torre at sinasang-ayunan niya ang mga kinakailangang reporma para matugunan ang mga hamon sa seguridad sa bansa.

Bagama't nagkaroon siya ng agam-agam sa pagkakahirang kay Torre sa posisyon, sinabi ng pinuno ng Senado na ang mga ipinatutupad ni Torre ay nagpapakita ng kanyang malalim na pag-unawa sa kinakailangang agarang reporma sa institusyon.

"Ang pamumuno ay hindi pagpapasikat lamang kundi pagkakaroon ng malinaw na direksyon at tapang na gumawa ng mahihirap na desisyon para sa ikabubuti ng institusyon," sabi ng batikang mambabatas patungkol sa naging desisyon ni Torre na alisin sa puwesto ang ilang matataas na opisyal ng pulisya na nabigong tugunan ang itinakdang limang minutong pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong.

Aprubado rin kay Estrada ang pagpapatupad ng walong oras na shift sa trabaho ng mga pulis dahil aniya'y makakatulong ito upang magkaroon sila ng balanse sa trabaho at personal na buhay. Dagdag pa niya na ang mga ganitong patakaran ay makakatulong upang matiyak na nakatuon ang oras nila sa trabaho at magiging epektibo sa pagtugon sa kanilang mga tungkulin.

Aminado si Estrada na hindi madaling solusyunan ang mga suliranin sa sistema, ngunit kanyang iginiit na ang mga reporma gaya ng pagpapatupad ng mahigpit na pananagutan sa mga tiwaling pulis, modernisasyon ng teknolohiya sa PNP, at pagpapalakas ng pagkakaisa at moral sa hanay ng kapulisan ay mahahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang propesyonal, tumutugon, at mapagkakatiwalaang kapulisan.

Iginiit din ni Estrada na kailangan din na tiyakin na maaalagaan ang kapakanan ng mga rank-and-file na opisyal at masiguro na ang mga reporma ay may makatarungang pagtrato at may kaakibat na insentibo sa mga naglilingkod nang may integridad.

News Latest News Feed