Press Release June 14, 2025 Gatchalian Seeks Inquiry Into Corruption, Misconduct Allegations vs BI Leadership Amid allegations of corruption and misconduct raised by some concerned Bureau of Immigration (BI) employees against the agency's leadership, Senator Win Gatchalian called for stricter enforcement of the country's anti-POGO policy, particularly in the handling of POGO deportations. "The improper implementation of the country's anti-POGO policy concerning the detention and deportation of foreign nationals involved in POGOs may create loopholes in our anti-POGO framework and allow nefarious POGO actors to continue their operations," said Gatchalian, who filed Senate Resolution 1381. Gatchalian, who led the advocacy to remove POGO operations from the country, emphasized that the improper deportation of POGO-related foreign nationals may allow them to escape liability. Earlier this month, unnamed BI employees sent a letter to the President, accusing the agency's top official of overstepping authority by expediting bail for foreign nationals tied to POGOs, including influential POGO figures. The employees also claimed that a new scheme has emerged involving the auctioning of permanent quota visas to the highest bidder. "Kailangan nating ituwid ang katiwalian sa ahensyang inaasahang nagpapatupad ng batas at punan ang pagkukulang sa ating mga regulasyon," Gatchalian concluded. Gatchalian Nais Paimbestigahan ang mga Alegasyon ng Katiwalian Laban sa Pamunuan ng BI Sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian at pag-abuso ng kapangyarihan na ibinabato ng ilang 'concerned employees' ng Bureau of Immigration (BI) laban sa pamunuan ng ahensya, nanawagan si Senador Win Gatchalian para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng polisiya kontra sa POGO, lalo na sa aspeto ng pagpapadeport sa mga dayuhang nauugnay sa industriya. "Ang maling pagpapatupad ng polisiya kontra sa POGO, lalo na sa pagpapakulong at pagpapa-deport ng mga dayuhang sangkot sa POGO, ay maaaring lumikha ng butas sa ating mga patakaran at magbigay-daan sa patuloy na operasyon ng mga masasamang POGO operators," ani Gatchalian, na naghain ng Senate Resolution No. 1381. Iginiit ni Gatchalian, na siyang nanguna sa adbokasiyang alisin ang POGO operations sa bansa, na ang maling proseso ng deportasyon sa mga banyagang nauugnay sa POGO ay maaaring magresulta sa kanilang pag-iwas sa pananagutan. Kamakailan lamang, ilang empleyado ng BI ang nagpadala ng liham sa Pangulo na nagsasaad ng umano'y pag-abuso sa kapangyarihan ng isang mataas na opisyal ng BI, kabilang ang pagpapabilis ng piyansa para sa mga dayuhang konektado sa POGO, pati na rin ang mga makapangyarihang personalidad sa industriya. Ayon pa sa mga empleyado, may lumitaw na bagong modus operandi na naglalayong ibenta ang permanent quota visas sa pinakamataas na bidder. "Kailangan nating ituwid ang katiwalian sa ahensyang inaasahang nagpapatupad ng batas at punan ang pagkukulang sa ating mga regulasyon," pagtatapos ni Gatchalian. |
Friday, July 18
|