Press Release
June 13, 2025

Anti-POGO Bill Poised for Enactment - Gatchalian

After extensive and detailed investigations conducted by the Senate Committee on Ways and Means, chaired by Senator Win Gatchalian, the Anti-POGO Act of 2025 is now one step closer to becoming law.

This development comes after the House of Representatives adopted the Senate version of the bill, which bans the establishment, operation, and provision of services related to offshore gaming and POGO activities in the Philippines.

The measure also holds accountable those who assist in the unlawful entry or exit of individuals using invalid or fraudulent travel documents.

Once enacted, the law will establish an Administrative Oversight Committee (AOC), to be led by the Presidential Anti-Organized Crime Commission, tasked with ensuring the law's effective implementation.

Since October 2022, the Committee has been assessing the social costs and economic impact of POGOs in the country, including issues with regulation and enforcement.

"Pinagtitibay nito ang utos ng Pangulo na sugpuin na ang mga POGO at wag na silang papasukin sa bansa," said Gatchalian, citing reports that over 9,000 foreign nationals linked to POGOs remain at large.


Anti-POGO Bill Malapit Nang Maging Batas - Gatchalian

Matapos ang masusing imbestigasyon ng Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senador Win Gatchalian, isang hakbang na lamang ang Anti-POGO Act of 2025 sa pagiging ganap na batas.

Ito'y kasunod ng pag-apruba ng House of Representatives sa bersyon ng Senado ng panukalang batas, na nagbabawal sa pagtatatag, operasyon, at pagbibigay ng serbisyo na may kaugnayan sa offshore gaming at mga aktibidad ng POGO sa Pilipinas.

Sakop din ng panukala ang pagpapanagot sa sinumang tumulong sa ilegal na pagpasok o paglabas ng bansa ng mga indibidwal o dayuhang sangkot sa POGO gamit ang mga peke o 'di-wastong mga dokumento ng pagkakakilanlan, kasama na ang travel records.

Kapag naisabatas, magtatatag ito ng isang Administrative Oversight Committee (AOC) na pamumunuan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, na siyang mangunguna sa epektibong pagpapatupad ng batas.

Mula pa noong Oktubre 2022, inaaral na ng Komite ang mga epekto ng POGO sa lipunan at ekonomiya ng bansa, kabilang dito ang mga isyu sa regulasyon at pagpapatupad ng batas.

"Pinagtitibay nito ang utos ng Pangulo na sugpuin na ang mga POGO at huwag na silang papasukin sa bansa," ani Gatchalian. Ayon sa pinakahuling report ng PAOCC, mahigit 9,000 pang dayuhang sangkot sa POGO ang nananatiling hindi pa nahuhuli.

News Latest News Feed