Press Release June 12, 2025 Jinggoy calls for comprehensive inquiry on alarming rise in HIV cases in PH AMID growing concerns over a looming national public health emergency caused by the sharp rise in human immunodeficiency virus (HIV) cases, Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada has called for a comprehensive Senate inquiry to review and strengthen existing health policies. "The alarming increase in HIV infections requires immediate action from all sectors, including Congress, to address the far-reaching social and economic impacts related to the ballooning number of HIV cases in the country," Estrada said as he moved to direct the Senate Committee on Health and Demography, along with other appropriate committees, to conduct the inquiry. In his Senate Resolution No. 1370 filed Monday, Estrada underscored the urgent need to review, update, and strengthen existing policies on HIV prevention, diagnosis, treatment, and education in response to the data from the Department of Health (DOH), which paints a troubling picture of an impending public health crisis. According to the DOH's HIV and AIDS Surveillance report, an average of 57 new HIV cases were detected daily in the first quarter of the year, or a monthly average of 1,700 cases, marking a 50% increase from the same period last year. Alarming trends in the study likewise noted a surge in infections among younger populations, with the most significant increases recorded among individuals under 15 years old (+133%) and those aged 15-24 years (+106%). The youngest reported case was a 12-year-old child from Palawan. As of March 2025, a total of 148,831 HIV cases have been reported in the country since the first case was documented in 1984. With HIV cases continuing to rise in recent years, health authorities project that as many as 252,800 Filipinos could be living with HIV by the end of this year. With the Philippines now leading the Western Pacific Region in new HIV cases, Health Secretary Teodoro Herbosa has called for a whole-of-government approach to tackle the crisis. The proposed Senate inquiry, Estrada said, will focus on strengthening prevention programs, improving accessibility to life-saving treatment, and enhancing public education efforts to ensure that all Filipinos --especially the youth -- receive comprehensive and youth-friendly HIV-related services. "Current policies meant to educate the public about HIV and prevent its spread need to be regularly reviewed to make sure they're being implemented effectively. HIV continues to pose serious risks to people's health, and the government must act quickly -- especially by ensuring that medicines are readily available and accessible -- to help stop the virus from spreading even further," Estrada said. Nakababahalang pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa, pinaiimbestigahan ni Jinggoy sa Senado ITINUTULAK ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasagawa ng masusing pagdinig sa Senado sa tumataas na mga kaso ng nakakahawang human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa na pinangangambahan na posibleng maging national public health emergency. Sa isang resolusyong inihain ni Estrada, iginiit niya ang pagsasagawa ng Senate Committee on Health and Demography at iba pang kaukulang komite ng pagsusuri para pag-aralan kung kinakailangan na repasuhin at palakasin ang mga umiiral na patakaran sa pampublikong kalusugan. "Nangangailangan ng agarang pagkilos mula sa lahat ng sektor, kabilang ang Kongreso, para ma-kontrol ang nakakabahalang pagtaas ng bilang ng HIV infections, at upang matugunan ang malawakang epekto nito sa ating lipunan at ekonomiya," ani Estrada sa kanyang Senate Resolution No. 1370. Binigyan-diin din ni Estrada na kailangang repasuhin, i-update at palakasin ang mga patakaran na may kaugnayan sa HIV prevention, diagnosis, treatment at education, bilang tugon sa datos ng Department of Health (DOH) na nagpapakita ng posibleng krisis sa kalusugan. Ayon sa HIV and AIDS Surveillance report ng DOH, may naitalang 57 average cases ng HIV kada araw sa unang bahagi ng taon, o tinatayang 1,700 na kaso kada buwan, na mas mataas ng 50% kaysa sa parehong panahon noong nakaraang taon. Nakakabahala aniya ang obserbasyon sa nasabing pag-aaral na nagpapakita ng pagtaas ng impeksyon sa mas nakababatang populasyon, kung saan pinakamatindi ang pagtaas sa wala pang 15 taong gulang (+133%) at yaong nasa edad 15 hanggang 24 taong gulang (+106%). Ang pinakabatang naitalang kaso ay isang 12 taong gulang mula sa Palawan. Ang kabuuang kaso ng HIV sa bansa na naitala hanggang nitong Marso ng kasalukuyang taon ay umabot na sa 148,831 mula sa kauna-unahang kaso noong 1984, ayon sa DOH. Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa mga nakalipas na taon, tinatayang aabot sa 252,800 ang bilang ng may may HIV sa pagtatapos ng kasalukuyang taon. Dahil ang Pilipinas na ngayon ang may pinakamaraming bagong kaso ng HIV sa Western Pacific Region, nanawagan si Health Secretary Teodoro Herbosa ng isang whole-of-government approach upang tugunan ang krisis. Ayon kay Estrada, ang mungkahing pagdinig ng Senado ay magpopokus sa pagpapalakas ng mga programa sa HIV prevention, pagpapabuti ng access sa mga gamot at gamutan, at pagpapaigting ng kampanyang pang-edukasyon upang matiyak na ang lahat ng Pilipino -- lalo na ang kabataan -- ay may access sa komprehensibo at youth-friendly na mga serbisyong may kaugnayan sa naturang kondisyon. "Ang kasalukuyang mga polisiya na layuning turuan ang publiko ukol sa HIV at pigilan ang pagkalat nito ay kailangang regular na suriin upang matiyak na maayos itong naipapatupad. Patuloy na banta ang HIV sa kalusugan ng mga mamamayan, at kailangang kumilos agad ang pamahalaan--lalo na sa pagbibigay ng agarang access sa mga gamot--upang mapigilan pa ang mas malawak na pagkalat ng sakit," ani Estrada. |
Saturday, July 12 Friday, July 11
|