Press Release June 10, 2025 TRANSCRIPT: SENATOR RISA HONTIVEROS INTERVIEW WITH LAKAY DEO MACALMA VIA DZRH Q: Alamin natin kung ano ang mga mangyayari dito sa impeachment trial simula bukas na magsisimula na yata bukas. Alamin nga natin kay Deputy Minority Floor Leader ng Senado, Senator Risa Hontiveros. Senator Risa Hontiveros ma'am, magandang umaga po sa inyo. SRH: Magandang umaga rin po at sa lahat po ng ating tagapanood Q: Naku mainit po ang debate natin kahapon. Umabot yata ng limang oras, Senator Ma'am. SRH: Actually, nagulat talaga ako umabot ng ganyang katagal kasi napakasimpleng bagay lang naman po iyon. Yung pagbubukas, hindi pa nga yung trial proper. Opening rights lamang kumbaga ng impeachment trial. Pero at least, ayun na nga po, sa bisa ng mosyon na inihain ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, na sinigundahan ko, ay napasumpa na rin po kagabi si Senate President bilang presiding officer ng impeachment court. So, wala na pong makapagsasabi na walang impeachment court na didinig dito sa impeachment complaint na wala pang magta-try sa impeachment complaint na ito laban kay Vice President Duterte. Q: At kayong mga Senador, Sen. Risa, mamayang hapon yata manunumpa bilang judges. SRH: Opo, yan po yung mga napagkasunduan pagkatapos nga po, gaya ng napansin nyo, limang oras kahapon. tapos po ng pagsumpa ni SP bilang presiding officer kagabi at pag-refer ng impeachment complaint sa Committee on Rules, ngayong hapon naman, alas kwatro, pasusumpain kami ng presiding officer, kaming lahat ng mga senador bilang senator judges. And bukas naman ay babasahin na sa amin o ipipresenta ang mga Articles of Impeachment. So at least, nasimulan na po natin yung impeachment trial sa ganyang paraan. Q: Pag-uusapan mo mamaya Sen. Risa, ma'am kung pag-uusapan lahat yung seven Articles of Impeachment o babawasan? SRH: Ay hindi ko pa po masabi kung babawasan ba yun o as is yung pitong Articles of Impeachment, dahil ngayon pa lamang, as in bukas pa lamang namin, maririnig for the first time officially yung seven Articles of Impeachment. Doon pa lamang kami magsisimulang magkaroon ng sense kung maaring gaano katagal ba, tatagal ito, gaano ba kabigat ang mga ito. At dahil kahit bukas hindi pa namin maririnig yung mga ebidensya sa bawat article of impeachment, Hindi pa po maipipresenta sa amin kung mayroong mga testigo sa bawat article na iyan. Kaya pati po yung usapin ng trial calendar ay bukas pa lamang namin masisimulang ma-consider dahil bukas pa lang actually magsisimula ang trabaho proper ng impeachment trial court. Q: Pero yung rules dito sa impeachment trial court. Pero yung rules dito sa impeachment trial, Sen. Risa, napag-usapan na ba kung paano ang takbo? SRH: Well, may existing rules, mula sa mga nakaraang impeachment trials at posibleng i-affirm lang namin iyon, i-retain at yun din ang aming gamitin moving forward. So, isa pong agenda din ng impeachment trial court. Q: Ayan. So, bukas sisimulan na. So ano po ang magiging takbo, Senator Risa ma'am? SRH: Well, ma-work out din po yun pag napagkasunduan namin ang trial calendar. Pero dalawa sa agenda namin ay napag-usapan na natin kani-kanina lang. Una yung napaka-importanteng pagpresenta ng pitong Articles of Impeachment sa amin bilang senator judges at yun na nga po yung pagkakasundo namin tungkol sa trial calendar na buong inaasahan ko ay tatawid talaga hanggang sa 20th Congress dahil napakahirap isipin na ang ganitong kaimportanteng kaso sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating bansa na alam nga natin may hindi iisa kundi 7 articles of impeachment, imposibleng isipin na matatapos yan kahit sa labing siyam na araw pa or na yung presentation of evidence ng dalawang panig ay matatapos sa loob ng ilang araw lamang. Kailangan po natin bigyan ng hustisya ang proseso ito, pati yung dalawang panig, yung house prosecutors at pati yung panig ni Vice President Duterte at higit sa lahat, yung taong bayan. Bigyan po natin ang hustisya ang taong bayan sa ganitong pinaka-importanteng proseso ng pagsingil ng accountability sa kahit sino mang sa aming nagtatrabaho sa gobyerno. Q: So malabo po yung 19 days na speedy trial na gusto mangyari ni Sen. Tolentino, Sen. Risa, ma'am? SRH: Siyempre, lakay ang bawat isa sa amin ay malaya namang magpanukala ng timetable. At siguro pag pinag-usapan na namin yung trial calendar bilang impeachment court, malamang dun ihahain sa aming lahat ni majority leader. Pero tingin ko lamang po, tingin lamang, parang kahit yung labing siyam na araw ay kulang pa. Kung tutuusin nga po natin kahit sa civil cases, halimbawa yung pagsingil ng bayad, e nagbibigay po ng 90 days, hindi 19 ha, 90 days sa ilalim ng rules of court. E anong pa kaya ang ganitong kaimportanteng klase ng trial para sa ganitong kaimportanteng kaso? So wala po talagang express lane sa impeachment. Hindi po ito online shopping na may express delivery. So, kaya ang naging panawagan namin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, simulan na natin ito agad-agad, forthwith nga dapat. Pero yung proseso mismo ng trial proper ay gawin po natin ng maayos at bigyan natin ng sapat na panahon. Q: Sen. Risa Ma'am, hindi ba magiging sagabal? Kasi may dalawang school of thought may sinasabi na yung impeachment dapat hindi na tumawid ng 20th Congress. Baka umabot pa raw po ito ng Supreme Court. Paano po ang mangyayari dyan? SRH: Kung paabutin pa nila sa Supreme Court, sorry, nakapagsalita na po ang Supreme Court tukul dyan at least dalawang beses dun sa isang kaso na sinabi nila ang mga non-legislative functions tulad ng impeachment ay yun na nga po iba sa legislative functions. At pangalawa, hindi apektado sa pagpalit o pagtawid mula sa isang kongreso papunta sa pangalawa. Kahit pa po tingnan natin yung mga precedents at practices, halimbawa sa US kung saan natin binabatay yung ating Rules of Impeachment, doon higit dalawang daang taon na naging practice nila sa loob ng lima o anim na impeachment processes nila na hindi naaapetkuhan kung magbago mula sa isang kasalukuyang ongreso papunta sa susunod. Halimbawa, yung pinakasikat na alam nating mga Pinoy na impeachment trial nila ay kay dating US President Clinton. Yun pong impeachment complaint laban sa kanya ay ibinigay po, tinransmit sa kanilang kongreso, sa kanilang senado noong adjourned sine die na iyon. Noong 105th Congress nila. At hindi yun ibinasura. In fact, dininig nila at dinesisyonan sa kanilang 106th Congress. So mayaman po yung ating mga pinagbabatayan mismo sa ating Saligang Batas, sa mga desisyon ng ating Korte Suprema at kahit sa mga precedents sa ibang bansa na okay lang po at tingin po namin dapat lamang kung hindi matapos ng 19th Congress ang aming trabaho sa impeachment trial na ito ay tumawid ito sa 20th Congress at doon namin pong tapusin ang aming tungkulin. Q: Paano po ang mangyayari sa mga Senator-Judges na graduating Senator Risa Ma'am, pagdating ng 20th Congress? SRH: Well, pagdating po ng 20th Congress kahit wala na po yung labing dalawa na matatapos ang term ngayon kasama ng ilan sa kanila na graduating na talaga,pagpasok po ng bagong labing dalawa na yung iba doon ay re-elected at yung iba doon ay bago talaga, manunumpaa lang po din sila sa presiding officer bilang senator judges, at magpapatuloy ang trabaho ng Senado sa impeachment trial. Nasabi na rin po ito ni Minority leader senator koko noo ng unang debate namin sa ibang mga kasama namin noong nakaraang Lunes na irrelevant yung members o kahit numbers ng impeachment trial court dahil ang Senado ay Senado pa rin, nananatiling parehong institusyon. Q: At sa pag-taya po niya Sen. Risa, kailan po magsisimula ang impeachment trial? SRH: Well, dahil nakapagsumpa na si Senate President kagabi bilang presiding officer at ngayong hapon kami naman pong ibang mga senador ay manunumpa sa kanya bilang senator-judges na para sa akin ibig sabihin constituted na ang impeachment court. Huwag na tayo mag-hair splitting sa convened na ba o constituted na ba dahil 'pag nanumpa na yung presiding officer at mamaya manunumpa na kaming senator-judges, in effect, constituted na yung impeachment court and unang araw ng trabaho namin ay bukas na kung saan didinigin namin ang pagpresenta sa amin ng Articles of Impeachment. So day one na bukas ng trial proper. Q: So sa pagsisimula ng trial Sen. Riza Ma'am, para sa isang kaso may arraignment. Parang pinaka-arraignment ba? Meron ba parang ganyan? Haharap po ba kailangan humarap ang Vice President Sara dito? SRH: Well, for sure, iimbitahin or isa-summon ang lahat ng parties dito sa impeachment trial na ito. So umaasa ako na ngayong araw, halimbawa, maglalabas ng summons yung presiding officer para sa mga parties na dapat dumalo bukas sa unang araw ng trial. Kung dadalo ba o hindi 'yung impeached official na si Vice President Duterte, well, nasa sa kanya yun. Pero iimbitahin siya, isa-summon siya, isa-summon din 'yung House prosecutors. And para sa akin, lalo na sa ganitong kaimportanteng trial na napakataas ng expectations ng ating mga mamamayan, Hindi lang na ipipresenta lahat ng ebidensya at saka testigo, pero nasa buong katatakbuhan ng impeachment trial na sa huli ay made-deliver 'yung accountability sa bisa ng pagboto ng senator-judges, whether to convict or to acquit. Ideally, dadalo lahat ng mga parties na iimbitahin o isa-summon. Malaya sila, pero syempre, yung pagdalo o di pagdalo, may implikasyon din. Hinihingi kasi sa amin, I believe, yung pagrespeto talaga sa trial. At syempre, higit sa lahat, yung pagrespeto sa expectation ng ating mga mamamayan as expressed through the Constitution. Q: Ayan, sa impeachment trial ng dating Pangulong Erap at Chief Justice Corona, naalala ko sila ay humarap. Ano po? SRH: Opo, tama po kayo. Kung 'di ako nagkakamali sa lahat ng nakaraang impeachment trials dito sa ating bansa, humarap yung impeached official. Q: In case na hindi humarap po ang impeached official, Vice President Duterte, eh pwede ba siyang ipaaresto? Parang ganun? Para mapwersang humarap sa impeachment court? SRH: Siguro kung hindi man humarap yung impeached official na si Vice President Duterte, basta't magpapatuloy pa rin 'yung impeachment trial. Gaya ng napag-uusapan natin, marami-rami ang Articles of Impeachment. Inaasahan ko na magpe-presenta yung prosecutors ng kanilang mga ebidensya at testigo para aming tanungin. So nasa sa bawat indibidwal na opisyal kung kukunin ba o hindi yung pagkakataon na humarap din sa impeachment court at maaring magsalita din doon. Pero ano pa man ay magpapatuloy ang trial. Gagawin po ng Senado ang aming tungkulin. Yan po yung inaasahan ko sa good faith presumption namin sa bawat isa bilang pagtalima sa Konstitusyon. Q: Ayan. So, may mga ilang mga testigo po ba ang inaasahang harap dito, Senator Risa? SRH: Hindi ko pa po alam. Lakay. Yun po yung inaasahan namin na sa bawat article of impeachment na tatalakayin sa harap namin, gaanong karami ba at kabigat yung mga ebidensya, yung mga testigo, lahat pong iyon ay masisimulan pa lang naming ma-anticipate bukas sa pagpresenta sa amin ng Articles of Impeachment. Q: May mga nagsasabi po, Senator Risa, na baka daw sa huli pagka nagkabotohan dahil marami po ang lumalabas ng pabor para dito kay Vice President Sara Duterte. So ano po sa tingin ninyo? Paano ang mangyayari pagka ganun? SRH: Well, pakiramdam ko po simula kagabi, yung pagsimula pa ng opening rights ng impeachment trial sa pamamagitan ng panunumpa ni SP bilang presiding officer, tagumpay na po yan ng mamamayan. Yung libo-libo na nagmarcha pa sa Senado, magbi-vigil pa, magra-rally pa. Tagumpay na po nila iyan. Tagumpay na po nating lahat na nasimulan na nga napaka-importanteng proseso na nakalaan sa Saligang Batas para sa accountability namin, nagtatrabaho sa gobyerno, sa ating mga mamamayan. So papunta doon sa trial proper na tingin ko nga ay tatagal ng higit sa araw o linggo, tignan natin gaano katagal ba tatagal ito. At pagdating sa moment of truth, yung moment of reckoning na bawat isa sa amin ay boboto, well, tulad ng expectation ko sa sarili bilang senator-judge, ganoon din naman ang inaasahan ko sa lahat ng mga kasamang senator-judges na bilang mga impartial sa trial na ito, ay boboto kami batay sa kalidad ng mga ebidensya at mga testigo. Kung boboto kami para mag-convict or para mag-acquit, yun ang inaasahan ko. So tignan po natin paano tatakbo itong impeachment trial, kung ano maging appreciation naming mga senator-judges at kung ano rin ang maging appreciation ng ating taongbayan na sigurado ko patuloy na magsusubaybay at magpaparamdam din sa amin kung ano din ang kanilang tingin sa mga ebidensya at testigong ihaharap. Q: Automatic ba 'yun na Senator Risa na pagka-convicted po ang isang impeached official ay mayroon po siyang parusang perpetual disqualification sa public office. SRH: Kasama po yun, ayon din sa Konstitusyon. Hindi lang yung pagtanggal sa kanyang kasalukuyang posisyon, pero yun nga po, pagbabawal na makatakbo ulit maka-occupy ng bagong posisyon sa hinaharap. Q: May kasamang kulong ba yan? SRH: Wala pong kasamang kulong. Q: Senator Risa, ma'am, so araw-araw po ito, Monday to Sunday, Saturday, paano po ba ang hearing dito? SRH: Depende po sa mapagkakasunduan naming impeachment court na trial calendar. So yun po, once magsimula na yung trial proper bukas doon sa pagpresenta ng Articles of Impeachment, malamang sa hindi, isa pa sa unang agenda ay yung trial calendar para nga po mabigyan namin ng hustisya ang prosesong ito. Masimulan na sa wakas, dahil forthwith nga ang utos sa amin ng Konstitusyon at mabigyan ng karampatan at tamang panahon ang ganitong kaimportanteng trial. Q: May timeline po ba sa rules sa Sen. Risa kung ilang weeks o ilang buwan dapat tapusin ang impeachment trial? SRH: Wala naman po. Sa letter at spirit ng rules, yung impeachment court ang magtatakda ng trial calendar niya para medyo matansya natin kung ilang linggo o buwan ba kailangan tumagal ito. Q: Senator Risa, ma'am, maraming salamat po at susubaybayan ng taongbayan ang impeachment trial diyan sa Senado. |
Sunday, June 22 Saturday, June 21
Friday, June 20
|