Press Release June 10, 2025 Gatchalian: Alcohol Denaturing Bill to Drive Growth in Personal Care, Cleaning, and Health Sectors Senator Win Gatchalian said the enactment of a measure that will expand the denaturing of alcohol in the country is expected to pave the way for growth in the personal care, cleaning, and health-related industries. Denaturing is the process of mixing substances with ethyl alcohol to make it undrinkable. Gatchalian made the statement as the Senate approved on third and final reading a measure amending Sections 134 and 168 of the National Internal Revenue Code, which covers denaturing of alcohol in the country. Under existing law, only locally produced ethyl alcohol is allowed for denaturing. The proposed measure, if enacted into law, would expand denaturing to include those sourced from overseas. Once imported ethyl alcohol is allowed to be denatured locally, the product will also be exempt from excise tax, benefiting certain enterprises that include personal care, cleaning, and health-related industries, he said. "Oras na maisabatas, ito ay magpapahintulot sa mga mahahalagang sektor na makakuha ng mga materyales nang mas episyente, mabawasan ang gastos sa produksyon, at manatiling competitive," ayon kay Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Ways and Means. Gatchalian: Panukalang Batas sa 'Denaturing' ng Alkohol Magpapasigla sa Kalusugan Sinabi ni Senador Win Gatchalian na ang pagsasabatas ng isang panukala na magpapalawak ng 'denaturing' ng alkohol sa bansa ay inaasahang magbibigay-daan sa paglago ng mga industriya ng personal care, paglilinis, at iba pang may kaugnayan sa kalusugan. Ang 'denaturing' ay ang proseso ng paghahalo ng ethyl alcohol sa mga sangkap para hindi ito mainom. Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng isang panukala na nag-aamyenda ng Section 134 at 168 ng National Internal Revenue Code, na sumasaklaw sa 'denaturing' ng alkohol sa bansa. Sa ilalim ng kasalukuyang batas, tanging ang lokal na gawang ethyl alcohol lamang ang pinapayagan para sa denaturing. Ang panukala, kung maisasabatas, ay magpapalawak ng 'denaturing' upang maisama na dito ang mga inaangkat mula sa ibang bansa. "Kapag pinayagan nang ma-denature dito sa bansa ang inangkat na ethyl alcohol, magiging exempt na rin ito sa excise tax, at makikinabang ang ilang negosyo, kabilang ang personal care, paglilinis, at mga industriyang may kaugnayan sa kalusugan," aniya. "Oras na maisabatas, ito ay magpapahintulot sa mga mahahalagang sektor na makakuha ng mga materyales nang mas episyente, mabawasan ang gastos sa produksyon, at manatiling competitive," ayon kay Gatchalian, na chairperson ng Senate Committee on Ways and Means. |
Saturday, July 19
|