Press Release
June 9, 2025

Transcript of Senate Media Conference with Senator Risa Hontiveros

Q: Hindi na po mangyayari yung dapat basahin muna ng panel of prosecutors yung articles of impeachment?

SRH: In fact, pangatlong step na yan. Unang step ay manunumpa ang Senate President bilang presiding officer. Pangalawang step, pasusumpain niya kaming lahat ng mga senador bilang senator-judges. Kasunod niyan, finally, once and for all babasahin sa amin ang Articles of Impeachment. Pero lahat ng yan, maaaring hindi umabot sa isang oras.

Q: Kasi originally ang magiging presentation muna ng Articles of Impeachment bago daw mag-convene bilang impeachment court.

SRH: Ayon sa pagkaalam namin sa Constitution at sa Rules of Impeachment yung kinwento ko po yun yung sequence of events. Manumpa ang presiding officer, manumpa ang senator judges, babasahin ang Articles of Impeachment.

Q: Kailangan po ba yung House prosecutors yung magbasa on the floor ng Articles of Impeachment o pwede na yung Senate Secretary as the clerk of court ng Impeachment Court?

SRH: Ang naging practice ay yung House prosecutors ang nagpapresent ng Articles of Impeachment. Pero kung base lang sa Senate Rules of Impeachment, maaaring simpleng opisyal dito o assigned person sa loob ng Senado ang magbasa ng mga ito sa amin bilang Senator-Judges once convened na kami as an impeachment trial court.

Q: Pero ma'am confident kayo na kapag nag-motion, makakakuha kayo ng enough votes para suportahan ng mga senador?

SRH: It shouldn't even require. Ayon sa mismong Konstitusyon, hindi kailangan yung approval ng majority para lang simulan ang aming tungkulin sa impeachment process. Pero kung kakailanganin pa ng isang motion, yan ang aming gagawin ni Senator Koko.

Q: Kapag nag-motion kayo, no more debates, no more na botohan, dapat tuloy na agad yun.

SRH: Ideally, sasabihin lang ni Senate President na inaaprubahan niya yung aming motion. Kasi, even that, hindi na sana kakailanganin kung lamang sinunod namin ang Constitution na upon receipt of the Articles of Impeachment transmitted by the House, forthwith, itinuloy namin. Ituloy na namin ngayong linggo ang Senate impeachment trial.

Q: Bakit ngayon po, bakit hindi po yung June 2, nung pagka-resume nyo, inerase nyo na po agad yung issue na ito?

SRH: Dahil, batay sa Constitution, at batay sa naging practice, kahit nung nakaraang mga impeachment trials, hindi na kinailangan ng, kumbaga, lesser mortal tulad ng isang motion sa floor, para lang gawin ang pinakamataas na utos at obligasyon na nandoroon na sa Constitution.

But since we are here now, kumbaga last three days na lamang, down to the wire tayo, sige, kahit yung extraordinary motion ng pagmomotion pa sa floor, gagawin namin. Kahit, ideally, kung ginagawa lang ng Senado, ang aming talagang tungkulin, ayon sa Constitution, dapat sana hindi na kailangan ito.

Q: But what prompted you po na gawin ito mamaya?

SRH: Dahil huling tatlong araw na po natin sa 19th Congress, kailangan kailangan kung hindi man noong February 5, kung hindi man noong June 2, ngayong June 9 onwards to 11, simulan na po namin ang impeachment trial.

Q: Ilang beses nang sinasabi ni SP Chiz na very powerful ang plenary. So parang laging decision ang plenary ang masusunod.

SRH: Very powerful ang plenary sa aming legislative functions. Most powerful, above all, above the Senate, above the House, above the Supreme Court, even above the President, most powerful ay ang Constitution.

At sinasabi sa Constitution, hiwalay ang aming legislative functions kung saan most powerful kami bilang Senado sa non-legislative functions. Magkahiwalay yung dalawang iyon. At sa non-legislative function ng impeachment trial, wala nang ibang kailangan magsalita kundi ang Constitution mismo kung amin lamang pakinggan at sundin.

Q: Si SP Chiz kasi, he's under the belief na kahit may mag-motion, kailangan pa rin pagbotohan ng plenary. If it comes to that, since he is the presiding officer, do you think you will have the support po ng majority of the senators if it comes to a vote?

SRH: Unang-una na, sa plenary ng session bilang Senado, pwedeng ang presiding officer mismo, ang Senate President o ang presiding officer, ang mag-approve or reject ng isang motion.

Hindi kailangan kaagad ipasa sa amin para pagbotohan ang bawat motion, kahit simpleng motion. Ganon din, pag dito sa usapin ng impeachment trial, we will still be a Senate, magmomotion kami, the Senate President has all the power, and I would say the obligation, na to rule favorably sa motion namin iyon.

Kung kailangan pang umabot sa pagboto, kung ipasa pa niya sa amin sa plenary, well, nakikita nyo naman po habang dumadaan ang mga araw, dumadami mismong mga kasama namin sa majority na nag-o- on the record na payag sila o sasang-ayon sila na simulan na namin ang impeachment trial. Nandyan si Senator Alan Peter Cayetano, si Senator JV Ejercito, si Senator Sherwin Gatchalian, at si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.

Q: Ma'am, yung pag-convene po ba ng Senate as an impeachment court, is that optional?

SRH: Oh, definitely not. Definitely not. Kapag ang maging pananaw namin at ugali namin ay optional lang yung pag-convena bilang Impeachment Court, susuwayin namin ang Konstitusyon. Kami pa na Senado, at yun yung sinabi ko kanina, na hindi kami papayag sa Minority, hindi ako papayag bilang senador na kami pa, ang Senado, ang susuway sa Konstitusyon.

Q: Nagkaroon kayo ng concern na may move to kill the impeachment case arbitrarily kaya kayo nag-motion?

SRH: Well, sila-sila na ang nagsasabi na bukod sa convict or acquit decision, may option pa na dismiss. Walang ganun po sa Konstitusyon. Wala rin pong ganun sa Rules on Impeachment. Sila na yung pinapaaga yung valedictory speeches ng mga graduating senators. May mga lumalabas na mga concerns na ay, kung mag-vavaledictory na sa Martes, baka kulang ang mga tao sa Miyerkules, and alam naman natin, kailangan natin ng sacrosanct quorum na yan to transact business.

Kaya ngayon pa lang, kahit frustrated kami na hindi tayo simpleng sumunod sa utos ng Konstitusyon, na pagtanggap ng articles of impeachment, forthwith, proceed with trial. So itong huling linggo, itong huling tatlong araw ng session, sige, gagawin namin yung extraordinary motion para lamang simulan yung opening rites ng impeachment trial.

Q: So kung mags-start po today yung opening rites, sa timeline po ninyo, ano po yung nakikita po ng minority na timeline? Kasi po si Sen Tol ay ang sabi po niya possible to conclude the trial by June 30. Kayo po ba ano ang timeline po ninyo sa minority?

SRH: Wala po kaming binubuong o ipinapanukalang timeline kasi opening rites pa lang ay hindi pa magawa-gawa eh. So we want to get over this first, dapat hindi siya naging hurdle pero naging hurdle pa. We just want to get over this first hurdle. Kaya ngayong umaga, o noong inilabas yung ganoong panukala na hanggang June 30, premature pa talaga.

At saka, isipin natin 19 days? Yun lang ba ang naiisip namin ibigay na time frame sa ganitong kaimportanteng proseso? Eh sa simple civil cases lang nga, halimbawa yung pagbabayad, pagbibigay ng bayad, o pagsisingil ng bayad, ang Rules of Court, nagbibigay po ng (90) na araw para doon. Ano pa kaya sa isang napaka-importante constitutional process tulad ng impeachment?

And remember, hindi lang pong iisang Articles of Impeachment po ito, kundi pitong Articles of Impeachment. Hindi pa nga namin naririnig formally kung ano ano yung mga Articles, hindi pa nga namin narinig ano ano yung pinepresent nilang mga ebidensya, mga witnesses. Wala pa po kaming pagkakataon magtanong sa mga ito.

So paano namin masasabi ngayon pa lang na 19 days kaya na namin kailangang tapusin ang ganyan kaimportante at maaring mabigat? Kasi meron lang kaming chance na matimbang kung gaano kabigat ba at gaano namin katagal kailangan tanungin ito, kapag narinig na namin, eh hanggang ngayon hindi pa napagbigyan yung prosesong yun. Hindi po ito, ano ah, wala pong express lane sa impeachment. Hindi rin siya online shopping na may express delivery.

Bigyan naman natin ng hustisya ang prosesong ito. Bigyan natin ng hustisya pareho ang mga panig ng house prosecutors at pati yung kampo ni VP Duterte. At higit sa lahat, bigyan natin ang hustisya ang taong bayan na kumakapit sa Konstitusyon at dumadami at lumalakas ang mga boses na pinagsasabihan kami, "Gawin niyo na ang tungkulin ninyo."

Q: Pero ma'am, tama po ba at least for this week, today yung opening rites, sa Tuesday and Wednesday po ano ang mangyayari?

SRH: Once buksan namin yung impeachment trial, today mag-constitute kami as an impeachment court, doon namin pwede simulang pag-usapan yung timetable at gawin sa susunod na dalawang araw ang mapag-usapan na para sa una at ikalawang araw pagkatapos mag-convene. At yung nalalabi pa, yung kakailanganin, kung ano man ang kakailanganin in fairness sa process, pwede ituloy ng 20th Congress.

Q: Mamaya po maasahan namin na mag mo-motion kayo to convene as an impeachment court.

SRH: Asahan nyo po na mag-motion kami ni Senator Pimentel na gawin na namin ng opening rites which would constitute convening ourselves as impeachment court. Panunumpa ng presiding officer, panunumpa naming senator judges, pagpresenta sa amin ng Articles of Impeachment.

Q: Kailangan po na within the day, masabihan na din po yung Kamara, kung may reading, mapresenta na yung articles of impeachment, paano po yung mangyayari?

SRH: Well, kung mabalitaan na nila ito, yung aming gagawing motion, nasa sa kanila na po kung paano sila kikilos o hindi kikilos. Basta natapos nila yung trabaho nila hanggang sa transmittal ng Articles of Impeachment, ang bola na sa korte ngayon ng Senado. So, yung shot clock, matagal nang nag-run out. Time to move and not a moment more to lose. Salamat po.

News Latest News Feed