Press Release
June 9, 2025

Gatchalian: Senate OKs Teachers' Career Progression System Bill

Senator Win Gatchalian hailed the Senate's third reading approval of a bill that seeks to institutionalize the Career Progression System for public school teachers and school leaders.

Under the Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act (Senate Bill No. 3000), the career prospects of public school teachers and school leaders in teaching, school administration, and supervision are expanded.

"Sa ilalim ng panukalang batas na ito, mas mapapalawak natin ang mga oportunidad para sa promotion ng ating mga guro at school leaders, bagay na makakatulong sa pag-angat ng kanilang karera," said Gatchalian, the bill's sponsor.

The proposed measure mandates the Department of Budget to create the teaching position titles of Teacher IV, Teacher V, Teacher VI, Teacher VII, Master Teacher V, Master Teacher VI, School Principal V, Education Supervisor III, Education Supervisor IV, and Education Supervisor V.

The bill also provides that promotions within the base positions shall be non-hierarchical, and based on the principles of merit, fitness, and competence, based on the qualifications and the professional standards. The base positions are Teacher I and Master Teacher I.


Gatchalian: Panukalang Batas na Career Progression System Pasado na sa Senado

Ikinagalak ni Senador Win Gatchalian ang pag-apruba sa ikatlong pagbasa ng Senado sa Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act (Senate Bill No. 3000).

Layunin ng panukalang batas na i-institutionalize ang Career Progression System para sa mga public school teachers at school leaders. Palalawakin nito ang mga oportunidad para sa mga guro at mga school leaders pagdating sa pagtuturo, school administration, at supervision.

"Sa ilalim ng panukalang batas na ito, mas mapapalawak natin ang mga oportunidad para sa promotion ng ating mga guro at school leaders, bagay na makakatulong sa pag-angat ng kanilang karera," ani Gatchalian, sponsor ng naturang panukala.

Magiging mandato sa Department of Budget and Management ang pagtatatag ng mga posisyong Teacher IV, Teacher V, Teacher VI, Teacher VII, Master Teacher V, Master Teacher VI, School Principal V, Education Supervisor III, Education Supervisor IV, at Education Supervisor V.

Nakasaad din sa batas na ang kakayahan at kaalaman ng mga guro at mga school leaders, pati na rin ang mga qualifications at professional standards, ang magiging mga batayan ng promotion. Ang mga posisyong Teacher I at Master Teacher I ang magsisilbing mga base positions.

News Latest News Feed