Press Release
June 9, 2025

Gatchalian Elated as Anti-POGO Act Passes Third and Final Reading

Senator Win Gatchalian said the enactment of a proposed measure institutionalizing the government's ban on all Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) would help ensure the removal of POGO remnants and also guarantee that the prohibition extends beyond the current administration.

Gatchalian made the statement as the Senate approved on third and final reading Senate Bill 2868, or the Anti-POGO Act of 2025. If enacted into law, the measure would repeal Republic Act 11590, which legitimized offshore gaming in the country.

"The measure not only bans offshore gaming operations but also builds safeguards for our people. Hindi dapat kinokompromiso ang kapakanan ng taumbayan para sa kita na galing sa ilegal at maruming negosyo," said Gatchalian, Senate Committee on Ways and Means chairperson and author of the bill.

The measure mandates the forfeiture of all POGO-related properties and equipment to prevent their reuse in illegal operations. It is one of the priority bills the government hopes will hurdle Congress' approval before it adjourns this month.

"This isn't just a law -- it's the people's demand to end the POGO menace," Gatchalian added.


Gatchalian Ikinatuwa ang Pagpasa ng Anti-POGO Act sa Ikatlo at Huling Pagbasa

Sinabi ni Senador Win Gatchalian na ang pagsasabatas ng isang panukalang nagpapatibay sa pagbabawal ng gobyerno sa lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay makakatulong upang matiyak ang ganap na pagpapaalis sa mga natitirang bakas ng POGO at masiguro rin na ang pagbabawal ay magpapatuloy kahit natapos na ang kasalukuyang administrasyon.

Ito ang pahayag ni Gatchalian matapos aprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2868, o ang Anti-POGO Act of 2025. Oras na maisabatas, ipapawalang-bisa ng panukala ang Republic Act 11590, na naging daan para maging lehitimo ang offshore gaming sa bansa.

"Ang panukalang batas ay hindi lamang nagbabawal sa offshore gaming operations kundi naglalagay rin ng mga panangga para sa ating mga mamamayan. Hindi dapat nakokompromiso ang kapakanan ng taumbayan para sa kita na galing sa ilegal at maruming negosyo," ayon kay Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Ways and Means at may-akda ng panukalang batas.

Inaatasan ng panukalang batas ang pagkumpiska ng lahat ng ari-arian at kagamitan na may kaugnayan sa POGO upang maiwasan ang muling paggamit ng mga ito sa ilegal na operasyon. Isa ito sa mga prayoridad na panukala na inaasahang ipapasa ng Kongreso bago ito mag-adjourn ngayong buwan.

"Hindi lang ito basta batas -- ito ay panawagan ng taumbayan na wakasan na ang salot na dulot ng POGO," dagdag pa ni Gatchalian.

News Latest News Feed