Press Release
May 30, 2025

Legarda pushes for full implementation of food and agri laws, highlights community-driven solutions to hunger

Senator Loren Legarda renewed her urgent call to address hunger in the Philippines, anchored on empathy, sustainability, and the strength of local communities.

"Imagine families having to sleep through hunger simply because they have no choice. Food is a right, not a privilege," Legarda stressed.

Despite the country's agricultural abundance, hunger continues to afflict millions. A recent Social Weather Stations survey showed that one in four Filipino families, or about 7.5 million households, experienced involuntary hunger in the past three months, the highest recorded since the start of the pandemic.

Meanwhile, the Global Hunger Index categorizes the Philippines' hunger level as "moderate," underscoring ongoing structural issues in food access and distribution.

A staunch advocate of sustainable living, Legarda cultivates herbs and vegetables in her own backyard in between legislative work, but she emphasizes that the fight against hunger must be rooted not only in policy but in collective, community-based solutions.

"Look at Barangay Holy Spirit in Quezon City, a decades-old gulayan sa barangay has sustained families with fresh produce, livelihood, and eco-products made from recycled waste," she shared.

"These are small but powerful wins, grounded in care and local resilience."

The four-term senator emphasized the urgency of fully implementing laws that critically impact agriculture and food security, including those she authored and sponsored, such as:

1. Agri-Agra Reform Credit Act (RA 10000) - ensures credit access for farmers and agrarian reform beneficiaries;

2. Organic Agriculture Act (RA 10068) - promotes sustainable, chemical-free farming practices; and

3. Food and Drug Administration Act (RA 9711) - strengthens food safety and consumer protection.

She stressed that these laws must be complemented by grassroots programs that empower families and communities to take part in building resilient food ecosystems through Gulayan sa Paaralan, edible landscaping, community composting, and partnerships with groups like Rural Rising Philippines (RuRi).

Legarda also conducts rescue buys from farmers who are struggling to sell their crops, aiming to prevent food wastage and address hunger at the same time.

Just this February, Legarda bought one ton of cauliflowers from farmers in Santa Catalina, Ilocos Sur, through RuRi, which was distributed to 700 residents of Tatalon, Quezon City, most of whom are indigent.

She also launched the Bayong-All-You-Can (BAYC) initiative in the Senate in 2023, where tons of fresh farm produce are purchased from farmers across the country and brought to the Senate. The Senate employees are then invited to fill traditional bayongs made by Laguna weavers with fresh fruits and vegetables that would have otherwise gone to waste.

Legarda also co-authored and pushed for the passage of the Zero Food Waste Bill, which seeks to institutionalize the recovery and redistribution of surplus edible food from commercial establishments to food-insecure communities.

"We don't need grand solutions. We need committed ones," Legarda emphasized.

"I've seen how a single garden can change a household. Now imagine what we can achieve as a nation when we till, grow, and rise together," she furthered.


Legarda nanawagan ng buong pagsuporta sa mga batas para sa pagkain at agrikultura

Muling nanawagan si Senadora Loren Legarda ng agarang aksyon para labanan ang gutom sa Pilipinas sa paraang may malasakit, malasang komunidad, at pangmatagalang solusyon.

Sa kabila ng yaman ng ating lupa at likas na yaman, milyon-milyong Pilipino pa rin ang nagugutom. Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations, isa sa bawat apat na pamilyang Pilipino, katumbas ng humigit-kumulang 7.5 milyong kabahayan, ang nakararanas ng "involuntary hunger" nitong nakaraang tatlong buwan. Ito na ang pinakamataas na bilang simula ng pandemya.

Ayon naman sa Global Hunger Index, "moderate" o katamtaman ang antas ng gutom sa bansa, kung saan nagpapakita pa rin ito ng tuluyang problema sa probisyon natin ng pagkain.

"Nakalulungkot isipin na maraming pamilya ang natutulog at tinitiis ang gutom kahit na labag ito sa kanilang kagustuhan," ani Legarda.

"Ang pagkain ay karapatan, hindi pribilehiyo."

Matagal nang tagasuporta ng sustainable living si Legarda. Sa kanyang bakanteng oras, nagtatanim siya ng gulay at iba pang halamang pagkain sa kanilang tahanan. Ibinahagi rin niya ang inspirasyon mula sa mga tagumpay ng mga lokal na komunidad--tulad ng Barangay Holy Spirit sa Quezon City, kung saan ang gulayang naitayo pa noong dekada '90 ay patuloy na nagbibigay ng sariwang gulay, eco-products, at kabuhayan sa mga residente.

"Maliliit man ang mga proyektong ito, malaki ang epekto. Patunay na kapag sama-sama at may malasakit ang bawat isa, kayang solusyunan ang kagutuman," dagdag niya.

Binigyang-diin ni Legarda ang kahalagahan ng ganap na pagpapatupad ng mga batas na may direktang epekto sa pagkain at agrikultura, kasama na dito ang mga isinulat o sinuportahan niya gaya ng:

1. Agri-Agra Reform Credit Act (RA 10000) - para masigurong may pondo at pautang ang mga magsasaka at benepisyaryo ng agrarian reform;

2. Organic Agriculture Act (RA 10068) - na nagtutulak sa ligtas, natural, at sustainable na pagsasaka;

3. Food and Drug Administration Act (RA 9711) - para masigurong ligtas at maayos ang kalidad ng mga pagkain at gamot sa merkado.

Bukod sa mga batas, patuloy rin ang suporta ni Legarda sa mga programang pangkomunidad tulad ng Gulayan sa Paaralan, edible landscaping, at community composting -- kung saan naituturo sa mga pamilya kung paano magtanim ng sariling pagkain at makaiwas sa mataas o hindi ligtas na bilihin.

Si Legarda ay nagsasagawa rin ng rescue buys mula sa mga magsasakang nahihirapang maibenta ang kanilang ani, na layuning maiwasan ang pagkasayang ng pagkain at matugunan ang kagutuman.

Noong Pebrero, bumili si Legarda ng isang toneladang cauliflower mula sa mga magsasaka sa Santa Catalina, Ilocos Sur, sa pamamagitan ng RuRi, na ipinamahagi sa 700 residente ng Tatalon, Lungsod Quezon, karamihan sa kanila ay kapus-palad.

Inilunsad din niya ang inisyatibong Bayong-All-You-Can (BAYC) sa Senado noong 2023, kung saan tonelada ng sariwang ani mula sa mga magsasaka sa iba't ibang panig ng bansa ang binibili at dinadala sa Senado. Inaanyayahan ang mga empleyado ng Senado na punuin ang mga tradisyonal na bayong na gawa ng mga manghahabi mula sa Laguna ng mga sariwang prutas at gulay na kung hindi ay masasayang lamang.

Ipinanawagan din niya ang pagpasa ng Zero Food Waste Bill, na layuning isalba at ipamahagi ang mga sobrang pagkaing pwede pang kainin mula sa mga negosyo papunta sa mga komunidad na nangangailangan.

"Hindi natin kailangan ng magarbong solusyon--ang kailangan natin ay tapat at dedikadong pagtugon," ani Legarda.

"Nakita ko kung paano kayang baguhin ng isang simpleng gulayan ang buhay ng isang pamilya. Paano pa kaya kung sama-sama tayong kikilos--mula sa ating tahanan, sa ating barangay, at, harinawa, sa buong bansa," dagdag niya.

News Latest News Feed