Press Release April 11, 2025
STATEMENT OF SEN. BONG GO
Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala at sa napakainit na pagtanggap sa inyong Senator Kuya Bong Go saan mang parte ng bansa -- Luzon, Visayas at Mindanao. Nakakawala po ng pagod tuwing nakikita ko po ang ating mga kababayan. Sa inyo nanggagaling ang aking lakas at inspirasyon upang mas lalong pagbutihin ang aking paninilbihan sa ating kapwa Pilipino, lalo na ang mga mahihirap nating kababayan. Uunahin ko po ang mga pro-poor programs. Uunahin ko po ang mga kababayan nating mahihirap. Ilapit po natin ang serbisyo ng gobyerno sa ating mga kababayang mahihirap. Ilapit po natin ang serbisyong medikal sa mga mahihirap na pasyente. Patuloy po akong magseserbisyo sa inyong lahat sa abot ng aking makakaya dahil bisyo ko po ang magserbisyo sa ating mga kababayang Pilipino at naniniwala po ako na ang serbisyo po sa tao ay serbisyo po 'yan sa Diyos. Sipag, pagmamalasakit at more serbisyo po ang pwede kong maialay sa ating kapwa Pilipino. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at tiwala sa akin. Maraming salamat rin po sa inyong suporta sa aking mga kapartido at kapwa Duterte senatoriables. Isang buwan na po ang nakalipas mula ng pilit na inilayo sa atin si Tatay Digong noong March 11. Nakakalungkot po ngunit kahit papaano ramdam po namin na hindi kami nag-iisa sa laban na ito. Sa huli, kahit dinala siya sa ibang bansa, naniniwala po ko na ang Pilipino pa rin talaga ang huhusga sa tunay na nagawa ni Tatay Digong para sa ating bansa at sa ating mga anak. Ramdam po namin kung ano po ang nasa puso ninyo. Ang Pilipino po ang dapat humusga kung mas nakakalakad na po ang ating mga anak sa gabi na hindi nasasaktan at hindi nababastos. Pilipino po ang huhusga kung ano po ang nagawa ni Tatay Digong sa kanyang termino bilang pangulo. Salamat sa inyong pagsuporta sa aming adhikain at mga pinaglalaban para sa bayan. Tulad ng bilin ni Tatay Digong, 'unahin ang kapakanan ng kapwa nating Pilipino, unahin ang interes ng taong bayan at hinding hindi ka magkakamali'. |
Saturday, July 12 Friday, July 11
|