Press Release
March 26, 2025

Senator Imee R. Marcos Statement

By repeatedly invoking executive privilege and the sub judice rule during the Senate's hearing last week, the government witnesses appeared to be hiding essential facts. Beyond their constant narrative that the Philippines was simply complying with its international commitments, a deliberate effort to obscure the truth only gave rise to ever greater suspicion that the Constitution may have been disregarded and our sovereignty diminished by the arrest of former President Rodrigo Roa Duterte.

As will be soon discussed in my preliminary findings, clearly there were actions taken by the administration which run counter to my ideals and principles. Thus, I cannot stand on the same campaign platform as the rest of the Alyansa. As I have stated from the outset of the election period, I will continue to maintain my independence.

Over and above political advantage, the sovereignty of the country and the interest of true justice for every Filipino must remain paramount.


Senator Imee R. Marcos Statement

Sa patuloy nilang pagbanggit ng executive privilege at sub judice rule — kahit sa mga pagkakataong walang malinaw na kaugnayan ang mga ito sa tanong na ibinabato — ang mga kinatawan ng gobyerno sa pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo ay mistulang nagtatago ng mahahalagang katotohanan. Paulit-ulit nilang hirit — sumusunod lamang ang bansa sa pandaigdigang kasunduan. Pero ang hayagang pagtatakip sa katotohanan ay lalo lamang nagpalakas ng hinala na maaaring nalabag ang Saligang Batas at nabawasan ang ating soberanya sa pagkakaaresto ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte.

Sa aking mga paunang natuklasan, na ilalahad ko sa mga darating na araw, malinaw na may mga hakbang na ginawa ang administrasyon na salungat sa aking mga paninindigan at prinsipyo. Dahil dito, hindi ko na magagawang mangampanya at tumuntong sa iisang entablado kasama ang iba pang kasapi ng Alyansa. Tulad ng aking sinabi mula sa simula ng panahon ng halalan, mananatili akong independyente.

Higit sa anumang pulitikal na pakinabang, dapat manaig ang soberanya ng bansa at ang tunay na katarungan para sa bawat Pilipino.

News Latest News Feed