Press Release February 17, 2025 Sen. Robin: Day of Triumph for Muslims Draws Closer as Bill on Muslim Burial Awaits President's Signature The day of triumph is near for Filipino Muslims, now that a bill ensuring the proper burial of Muslims in accordance with Islam is closer to becoming a law. Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this on Monday as he noted House Bill 8925 - a "sister bill" of his Senate Bill 1273 - now only awaits the signature of President Ferdinand Marcos Jr. to become law. "Aking ikinagagalak na hinihintay na lang ng panukalang batas na ito ang lagda ng ating Pangulo. Kung maging batas ito, napakalaking bagay ito para sa ating mga kapatid na Muslim (I am very glad to know that the bill now awaits the President's signature. Once it becomes law, it will mean a lot to our Muslim brethren)," said Padilla. "Sa oras na maging batas ito, isa itong napakalaking tagumpay hindi lamang sa Kongreso kundi sa ating mga mahal na kapatid na Muslim na matagal nang hinihintay ito (Once this becomes law, it will be a triumph not only for Congress but to our beloved Muslim brethren who have waited so long for this)," he added. House Bill 8925 moved closer to becoming a law after the House of Representatives agreed to the amendments put forth by senators. On the other hand, Senate Bill 1273 provides for equal access to Filipino Muslims and indigenous peoples (IPs) in public cemeteries. Sen. Robin: Malapit na ang Tagumpay Ngayo'y Malapit nang Maging Batas ang Panukala para sa Paglibing ng Muslim Malapit na ang isang mahalagang tagumpay para sa mga Muslim, ngayong hinihintay na lamang ang lagda ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para sa panukalang batas na titiyak ng tama at agarang paglibing ng mga yumaong Muslim alinsunod sa Islam. Iginiit ito nitong Lunes ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla, na nag-sponsor sa Senado ng House Bill 8925, na "sister bill" ng kanyang Senate Bill 1273. "Aking ikinagagalak na hinihintay na lang ng panukalang batas na ito ang lagda ng ating Pangulo. Kung maging batas ito, napakalaking bagay ito para sa ating mga kapatid na Muslim," ani Padilla. "Sa oras na maging batas ito, isa itong napakalaking tagumpay hindi lamang sa Kongreso kundi sa ating mga mahal na kapatid na Muslim na matagal nang hinihintay ito," dagdag niya. Mas malapit nang maging batas ang House Bill 8925 matapos pumayag ang Kamara na i-adopt ang mga amendments na iminungkahi ng mga senador. Ang Senate Bill 1273 naman ay nagbibigay ng patas na access sa Filipino Muslims at indigenous peoples (IPs) sa mga public cemeteries. |
Saturday, March 15
|