Press Release February 8, 2025
Transcript of Interview of Senator Joel Villanueva
Q: Sir, may clamor po from ilang members ng House of Representatives na magkaroon ng special session sa gitna ng election break para dito sa impeachment trial. Ano po ang pahayag niyo? Senator Joel Villanueva (SJV): Una po yung maliwanag yung posisyon ng aming buong institusyon. Wala pa ho akong narinig ni isang senador na humihingi ng special session. Ako personally, I have been saying na hindi ako magre-request for special session but if the President is requesting or the body would, majority of our colleagues wanted a special session, I have no problem with it. I'm willing to comply. At ang nakikita ko lang po kasi hindi maganda na yung nag-file ng impeachment ang humihingi nito. Kasi parang bias naman po kung yun ang magiging basehan ng mga jurado o mga members of the jury na magiging basehan na desisyon kung bakit magkakaroon ng special session. Ang importante po dito, klaro na klaro na tayo'y tutuloy sa impeachment trial. Klarong-klaro po na meron ng impeachment complaint. At klarong-klaro din na ready ang mga senador na gampanan yung kanilang tungkulin. Hindi lang yun pong legislation per se kung hindi tumayo bilang jury sa isang impeachment court. Q: So what would it take sir, PBBM kung sa kanya manggagaling request? SJV: Ako ho, para sa akin, honestly, kung yun ang request po niya, kasi yun yung naging tanong sa akin kahapon. But for me personally, it would be the majority of the decision of, siguro kahit nga hindi majority, a significant number of senators who would really push for it. Kasi meron talagang clamor and talagang yun ang may mangyayari o may magiging magkakaroon ng resulta yung aming gagawin. Kasi kung ngayon pa lang po, alam na natin na ang impeachment court ay magsisimula or gagampanan ng kasama ang new set of senators. Alam natin na itong 19th Congress, hindi man lang kami makakabuo ng quorum just with the 12 of us. So we need another set of another 12. So I think klaro na yan at this time na ang makakapag-desisyon nito ay yung susunod na Kongreso. So yun yung tingin ko kahit na magsimula pa tayo next week ng ating impeachment trial. And again, you look at the history of impeachment trials in the country, mula doon kay dating Chief Justice Corona, doon po sa kay Pangulong Erap, hindi po ganun kabilis. Kasi yung rules po namin hindi pa angkop dito sa impeachment trial. Hindi pa rin na-dedetermine dyan yung paanong yung disposition ng mga motions, yung scheduling, kailan kami acting as legislators, kailan kami acting as jurors. At marami pa hong iba. Usually, pag tinignan nyo yan, mga at least 6 weeks to 2 months bago makapag-start yung trial. Hindi po ganun kadali. Yung verification pa lang ng mga signatures. At ngayon nga, di ba, sinasabi merong additional ba, additional 25. Hindi na ho issue yun yung additional 25 signatures. Ang issue lang is meron bang 2/3. Kung meron na, tapos na po yun. So hindi ko alam kung bakit yun issue pa. Dahil even in that impeachment complaint tanging ang impeachment court ang magsasabi kung valid ba yung inihabol na 25, if I'm not mistaken, na pumirma dun sa impeachment complaint na additional. Q: Sir, nabanggit po noon na yung next set of senators na po ang mag-de-decide resign sa impeachment ni VP Sara, can you further explain? SJV: Because I feel na if you start the ball rolling on June 2, di ba, kung June 2, masalang po yan sa plenaryo at basahin, mairefer at magkaroon ng collective decision ang Senado na ituloy itong impeachment, i-establish itong impeachment court, magsisimula po ito probably in a few weeks. And in a few weeks, matatapos na, 12 of our colleagues will end their term. Unlike in the United States wherein 30% lang ang pinapalitan, tuloy-tuloy lang po yun, ito ho, 50% yung mawawala. So ibig sabihin, hindi kami makakakuha ng quorum kung ang gagamitin lang namin ay yung labing dalawa na ang mandate ay until 2028. Q: Sir, sa signature lang, although sabi po hindi na siya mahalaga pero have you talk to Cong. Eddie Villanueva kung bakit hindi siya pumirma on the complaint? SJV: Actually, ngayon ko lang n akita yung tatay ko for a long time. He just came from Taiwan and Hong Kong if I'm not mistaken. Siguro, klaro sa kanya, I'm just being, I'm talking as a son here and it's probably better na you ask him about it. Pero, klaro sa kanya na ako'y tatayo bilang hurado eh, bilang judge. So, hindi din maganda na siya ay mag-desisyon dito na basta na lamang dahil yun yung impluwensya sa kanya nung mga kasama niya. Number one, I don't think pipirma si Brother Eddie dahil alam niya na talagang ako yung tatayong judge dito sa impeachment court. Number two, mahalaga rin na makita ng taumbayan na credible at maayos, tama yung prosesong gagawin natin. Para sa akin, yan ang mas mahalaga kesa doon sa resultang mangyayari whether guilty or not guilty ang nasasakdal. Q: So ito sa special committee lang, would this be a starting step katulad sa INC? SJV: Oh, special committee here. I'm thinking about special committee in the Senate. Here, here. Here, here. Q: Would it be a step na parang maging INC na magba-block voting na kayo na may ieendorso kayo? SJV: It's not for me to say about yung last part of your question, but for me, itong special committee, nagagawa naman ito halos every election, may national election. It's just that siguro ngayon, sinabay because of the activity today, which is vision casting, na nandito 15,000 pastors and leaders from all over the country, and even all over the world. Nakita ko yung mga taga Middle East, nakita ko yung North America, Canada, USA, yung nasa Hong Kong, Singapore, Australia, nakita ko rin nandito. So siguro yun yung dahilan kung bakit...But I wanted to point out na I strongly support that kind of establishment ng executive committee, lalong-lalo na itong darating na halalan. Kanina kung narinig nyo po yung aking mensahe, nag-encourage na ako na hindi lamang ikampanya yung mga Godly and righteous candidates na makakatulong for the cause of God's kingdom, to propagate God's word. More than anything, baka importanteng ngayon pag-usapan na na we campaign against, we campaign against vocally doon sa mga kandidato na hindi talaga makakatulong sa ating bayan. Yung mga kandidatong hindi maganda yung track record, yung mga kandidatong nagsusulong ng mga panukalang batas na hindi katanggap-tanggap sa ating kultura at sa ating paniniwala bilang mga tunay na mga Pilipino. Q: Sir just to clarify, ang mga pipiliin po ng selection committee aside from that, ikakampanya nyo rin po na hindi iboto yung mga hindi swak sa kultura natin? SJV: Una, it's not for me to decide. So when I was given a chance to speak on the stage kanina, I appealed na isama po ito sa discussion na baka ito yung time na. Bihira kasi mangyari na yung isang organization magbabanggit ng mga kandidato na siguruhing huwag iboto. Hindi po nangyayari pa yun but for me, para sa akin maganda ng ngayon pag-usapan. Pag-usapan kung ito yung tamang direksyon din kasi nagiging radical na din yung pagkilos ng mga movement, yung mga woke movement na alam naman natin na ang gusto ay sirain yung kulturang Pilipino, yung pamilyang Pilipino kaya tayo ay against po dyan. Q: Kung ano po ang magiging desisyon ng Committee yun po ba ang magiging, basically, iboboto ng buo? SJV: Ang tingin ko po, ito'y magiging malaki o major guide na panuntunan na susundin ng ating mga kasamahan dito sa JIL Church. At ang JIL Church, from the very beginning, hindi naman po nagpo-force or nagsasabing pag hindi mo binoto yung inendorso ng liderato, ay ikaw ay pwedeng patalisikin bilang miyembro. So wala naman po sa diksyonaryo o sa aming pinaniniwalaang patakaran ng aming minamahal na Iglesia. Q: Sir, related to that, sa U.S. si President Trump, he thinks that he's winning back the leadership of the Congress. SJV: We are very happy and we are seeing the transformation of the United States. And not only the United States, we feel like the whole world is looking at the U.S. and its policies. Nung isang araw, guest po namin sa Senado yung mga National Assembly ng Hungary and yung pinaka-head po nila has been talking about it, maging yung Canada, parang doon na rin papunta. And we are praying doon sa mga more conservative leaders na nag-a-arise po ngayon. And I think malaking impluwensya yung polisiya ni President Donald Trump when it comes to loving God, taking care of your family, having two genders, parang natutuwa po kami doon sa development na yun. Ang alam po namin, talagang malaking yung magiging impact nito. Hindi lamang sa Amerika, kundi sa apat na sulok ng daigdig. Q: Pero President Trump is also asking ICC, sabi niya, yung ICC hindi niya gamitin. SJV: Kanya-kanya yung ating foreign policy. Ako, I respect yung polisiya natin na a friend to all and hindi tayo kaaway ng mga bansa. So para sa akin, when it comes to foreign policy, hindi ko ikakaila, hindi ko forte yan. Ngunit pinapaboran ko yung desisyon ng ating Pangulo sa West Philippine Sea for instance. Yan pong relationship natin sa mga banyaga na yung kapareho natin mag-isip, kapareho natin nagpapatupad ng rule of law, lalo na yung international rule of law. |
Saturday, July 19
|