Press Release
January 23, 2025

Transcript of Kapihan Sa Senado with Senator Risa Hontiveros

Senator Risa Hontiveros (SRH): Dahil na rin sa dami at init na mga diskusyon sa nilalaman ng Senate Bill 1979 o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Bill, Kahapon, minabuti nating mag-file ng isang substitute bill.

Dahil sa kabila ng pagpapakalat nila ng mga fake news, nananatili ang ating tunay na misyon: ang maampat ang pagtaas ng maagang pagbubuntis ng mga batang Pilipino. Ang teen pregnancy ay isa pa rin national emergency.

Kailangan pa rin natin sa Senado na magpasa ng batas na makakatulong sa mga Pilipino. Hindi pwedeng talikuran ng Senado ang kanyang tungkulin na tugunan ito. This is why it is important for us to find common ground so we can pass this urgent and important piece of legislation.

So this time, I hope the Senate gives this fair chance. Kaya wala akong problema sa totoo at sinserong pag-aalala ng iba't ibang sektor at grupo.

Inaral at pinakinggan natin ang mga agam-agam kung mayroon, kaya mayroon na tayong substitute bill. Sa simula pa lang, malinaw na ang inaalma natin ay ang fake news. Ang disinformation, ang lantarang pagsisinungaling.

Nais ko din pong klaruhin na walang nakahain na quote CSE bill. CSE or Comprehensive Sexuality Education is just one of the preventive measures to combat adolescent pregnancy, na isa lang sa mga probisyon ng Prevention of Adolescent Pregnancy Bill.

At ang maayos na implementasyon ng CSE ay tried and tested na na-epektibong paraan sa pagpapababa ng teen pregnancy. And I -- along with many advocates, civil society organizations, teachers and parents -- uphold that what we are pushing for is an age- and development- appropriate and culturally sensitive response to this national and social emergency.

Sa substitute bill, tinanggal na po na ang CSE ay "guided by international standards" na nakasaad sa orihinal na bersyon para hindi na mabaluktot ng iba ang ibig sabihin nito. Gusto natin na maging mas malinaw na ang anumang ituturo sa ating kabataan ay sang-ayon sa kultura at konteksto nating mga Pilipino.

Nilinaw na rin natin na ang CSE ay para lamang sa mga adolescents o mga batang edad 10 years old patas.

This substitute bill now also includes a clear provision guaranteeing academic freedom and religious freedom. This also includes provisions from the Senate President himself.

I hope this allays valid and genuine fears. I hope this helps bring us Senators together to finally pass a prevention of adolescent pregnancy bill that our country so desperately needs.

Maraming salamat po.

Q: So ma'am, na-file na po ba ito?

SRH: Yes, na-file na po kahapon.

Q: So ma'am, sa tingin niyo, kung wala yung term na yung CSE will be guided by international standards, hindi magiging ganitong controversial itong SB1979?

SRH: Actually, kahit sa orihinal na bersyon ng Senate Bill 1979, wala akong nakikitang problema nung phrase noon na "guided by international standards."

Dahil, yun na nga lamang po yun, guided, ginagabayan ng, na halos maraming panukalang batas dito sa Senado, ay maaaring may ganoong phrase. And in the end, anyway, kung international standards ay isa lamang sa mga gabay, in the end, the buck stops sa ating Konstitusyon ng Pilipinas.

The buck stops sa kung ano yung konteksto at mga kultura nating mga Pilipino. Ibig sabihin, common sense, kung hindi akma sa konteksto natin, kung hindi akma sa ating mga kultura, ano pa mang international standards na maaaring mayroong gabay, hindi yan makakapasok.

So, para lang hindi na mabaluktot ng iba, tinanggal na rin po namin ang ganyang phrase sa ating substitute bill.

Q: So, para din ma-address yung concern na as early as 4-year-old tuturuan na ng comprehensive sexuality education, inilagyan nyo na sa substitute bill na 10 year old up yung bibigyan nyo ng sex education.

SRH: Kaya importanteng pagbabago rin yan sa ating substitute bill na ang comprehensive sexuality education ay bibigyan lamang sa mga adolescents mula 10 years old or pataas.

At yung mga ibang sinabi nila noon na pati 0 to 4 years old ay tuturuan ng kung ano-ano. Sheer fabrication po yan. Fake news at disinformation po yan, yan po ay pagsisinungaling.

Q: So sa tingin niyo ma'am, magiging acceptable na sa inyong mga kasamahan at sa ilang mga grupo, like yung grupo nila dating CJ Sereno, itong substitute bill na isinabmit niyo?

SRH: Harinawa, maging acceptable na rin kahit sa grupo nila. Pero pinaka-importante, ito po'y nananatiling acceptable sa mga advocate groups, ng mga child rights advocates, mga adolescent rights advocates, mga kapwa ko magulang, mga guro, na ang tagal-tagal nang ipinaglalaban, lalo na mula noong pandemia, kung kailan na buo itong tinawag ng NEDA at ng POPCOM na National and Social Emergency ng Teenage Pregnancy, maging katanggap-tanggap pa rin sa kanila itong substitute bill.

Assured ako na ganoon nga dahil nananatiling tapat ito sa layunin ng Prevention of Adolescent Pregnancy Bill. Ang mapigilan ang pagtaas ng adolescent pregnancy dito sa ating bansa at mabigyan pati yung mga nabuntis na at nanganak na ng social protection na tulong magbalik-aral at makapagtapos, tulong maalagaan ang kanilang mga babies, tulong maiwasan ang pag-uulit ng teenage pregnancy.

Q: So ma'am, ano ang magiging proseso? Kasi diba itong SB1979 nasa Senate Plenary na. So ngayon may substitute bill, babalik ba yan sa committee level at magkakaroon ng public hearing?

SRH: Hindi yan po ang inaasahan ko, ang anumang pagbabalik sa naunang yugto. Dahil ito nga po ay nasa plenaryo na, na-sponsor na, at napipinto mula pa nung nakaraang taon. Napipintong dumaan na sa period of interpellation and debate.

So ang understanding ko ay itong substitute bill ay i-interpellate na po namin sa plenaryo. Dagdag po dyan, to my knowledge, gaya ng nabanggit ko ngayon lamang, this matter is already in plenary through questions and other proposed amendments.

Kaya gaya ng nabanggit ko, ang susunod na mangyayari ay nakadepende sa gagawin ng body sa plenary. Sa plenary, taking into consideration the substitute bill filed.

Q: Ah, so wala po palang implication yun, yung withdrawal ng about seven senators sa kanilang signature sa committee report?

SRH: Yan po ang paniniwala ko dahil ang committee report ay ika nga na-report out na nga po sa plenary na sponsor na po ito at iniintay na lamang na ma-interpellate at ma-propose sa mga amendments.

Q: Bilang principal author, nag-advise din ba sila sa inyo? Nagpa-sintabi na babawiin nila yung kanilang pirma?

SRH: May isa lang na nag-advise at nagpa-sintabi. May ilan na pagkatapos na lang nilang i-withdraw ang kanilang pirma ay kinausap ako. Na-appreciate ko yun. At ang sinabi ko sa ilan na kumausap sa akin, pagkatapos na nilang i-withdraw ang signature nila, o siyempre sinabi ko, bakit naman? Pero sinabi ko rin, mas importante na ito na ang substitute bill, pag-aralan ninyo.

Dahil tinutugunan itong substitute bill, yung ilan sa pinaka-importanteng objections sa bill, kahit yung mga objections na iyon ay nakabatay nga sa fake news, disinformation, kasinungalingan, minabuti po namin tugunan sa substitute bill na nananatiling tapat dun sa layunin nga na mapigilan ang adolescent pregnancy at mabigyan ng social protection yung mga nabuntis at nanganak na.

So sabi ko sa kanila, pag-aralan nyo itong substitute bill dahil tingin ko ito ay higit na makapagkakaisa sa ating mga senador alang-alang sa ating mga adolescents para matulungan sila dito sa national at social emergency na ito.

Q: Ano yung mga sinabing reason ng mga nagsabi sa inyo? Bakit nag-withdraw sila ng kanilang support sa SB 1979? Napressure ba sila? May mga lumapit ba sa kanila na nanghikayat sa kanilang umataras sa pag-support dito sa bill na ito?

SRH: Siguro sila nalang tanungin ninyo kung ano yung mga dahilan nila. Yung ilang mga dahilan nila ay nandun na rin sa mga sulat nila kay Senate President na ilabas nyo na rin po sa media.

Basta't ang sinabi ko nga sa manifestation kahapon din kasabay ng pag-file ng substitute bill ay naiintindihan ko ang kanilang mga posibleng konsiderasyon sa pagbawi ng kanilang pirma. Pero tinutulan ko pa rin hanggang ngayon yung mga fake news at disinformation at kasinungalingan na nanakot sa ating sambayanan.

Pero kung ano man yung naging konsiderasyon ng mga kapwa ko Senador na nagbawi ng pirma ngayon, may fresh na pagkakataon, di lamang sila, kaming lahat dito sa Senado, na ibalik ang atensyon ng aming institusyon at ng publiko sa totoong layunin.

Paulit-ulit kong sinasabi at di ako mapapagod sabihin, lalo na sa harap ng mga kasinungalingan, ang layunin na importante sanang balikatin ng Senado, tulungan ang ating mga adolescents umiwas sa teenage pregnancy.

Q: Ma'am, it doesn't mean naman na hindi inaral ng mga senador yung bill, kaya ngayon lang sila nag-withdraw ng support?

SRH: Wala akong sinasabing hindi nila inaral. Ang sinasabi ko po ay, andito na ito sa isang advanced stage of legislation. Una kong spinonsor, way back in 2023, dalawang taon na po, dumaan po ito sa mga pagdinig. Ito po ay i-re-report out na lamang sa plenaryo. At ang tamang proseso at panahon para ito ay idebate, tanungin pa, at mag-hahain ng mga amyenda ay sa plenaryo mismo.

Kaya siguro sinabi nung isa pang pumirma sa committee report at pinanatili ang kanyang pirma sa committee report premature pa para mag-withdraw ng suporta sa panukalang batas. Sabi ng isa pa na pumirma sa committee report, kaya nga niya pinirmahan ang committee report ay para bigyang daan ang debate sa plenaryo.

Sa tagal ng panahon na mula nung spinonsor ko ito way back in 2023, nasimulan na nga palang ma-interpellate itong Senate Bill 1979 nina minority leader Senator Koko Pimentel at ni majority leader, Senator Francis Tolentino.

So, pagpapatuloy lang po ng proseso ang dapat nangyari at ngayon sa substitute bill, inahasahan ko pong magpapatuloy.

Q: Na-consider nyo sa substitute bill yung mga proposed amendments ni Senate President Escudero?

SRH: Ay, yes po. Yun pong substitute bill, gaya ng nabanggit ko sa opening message ay inincorporate na rin po ang ilang mga amyenda mula mismo kay SP.

Q: What are the suggestions ni SP?

SRH: Halo-halo na pong pumasok yung amyenda namin at ang mga amyenda ni Senate President. Kabilang dito, yun na nga pong pagtanggal ng phrase na "guided by international standards." Pangalawa, paglimita ng CSE as covered in the bill sa adolescents. Dahil ang substitute bill ay nag-cover lamang sa 10 to 19 years old range. Yung paglimita din sa access to contraceptives without parental consent dun sa mga adolescents 16 years old and up, consistent po dun sa age of statutory consent law.

Pangapat, sinasama explicitly yung mga parent-teacher organizations bilang bahagi ng mga stakeholders na patuloy na kukonsultahin. Panglima, tinatanggal yung probisyon na ginagawa ang CSE bilang requirement para sa accreditation ng private schools. At last but not the least, nag-iintroduce nga po, gaya ng binanggit ko ng clause na ginagaransya ang religious freedom at academic freedom. So, halo-halo na pong galing po sa amin at galing kay SP.

Q: Nabasa namin yung definition of the CSE, this is a substitute bill. It's shorter and simpler compared to dun sa original bill niyo which has concepts like sexuality, homosexuality, gender, LGBT rights, even abortion and contraception. Is this in response to the President's statement na baka maraming woke absurdities? Does this not water down the bill?

SRH: Not at all, tanggap na tanggap parin ng aming mga partner advocates at constituencies ang aming substitute bill dahil nananatili siyang tapat dun sa layunin ng Prevention of Adolescent Pregnancy precisely na maiwasan ang mga adolescent- at repeat adolescent pregnancies, bigyan ang social protection ng mga adolescents na nabuntis na at nanganak na, at patuloy na ipatupad ang comprehensive sexuality education as defined in the Substitute Bill bilang isang importanteng preventive measure para makamit ang layunin ng panukalang batas.

So, yung misinterpretation ni Presidente at yung sadyang pag-misrepresent nung ilan, pag-fake news at disinformation, pagsisinungaling tungkol sa bill, ay gaya ng nabanggit ko kanina, patuloy kong tinututulan. At yung substitute bill ay aming effort na ibalik ang atensyon ng publiko at particular sa sandaling ito ng Senado dun sa totoong layunin ngayon ang substitute bill upang makabuo ng pagkakaisa dito sa Senado, lalo na tulungan ng ating mga Filipino adolescents.

Dagdag po doon, flexibility na rin po ang substitute bill para sa implementation team, para sa ano ang kailangang mga paksa na isama. Dahil maalala po natin, ang CSE ay higit isang dekada na na-deem ng Korte Suprema na Constitutional sa loob ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Law.

Mula pa noong 2018, ang CSE ay inooffer na ng Department of Education, hindi sa lahat pero sa limang subjects sa ating mga paaralan. At muli naming isinalamin namin sa PAP Bill pati sa substitute bill ang patuloy na pagsuporta sa deemed constitutional at ino-offer na DepEd na curricula. At walang nagpipigil na patuloy nating i-improve ito. At yan po iniiwan namin sa implementation team. Binibigyan namin sila ng dagdag na flexibility tungkol sa particular subject sa pamamagitan ng substitute bill.

Q: Baka may comment kayo about, Senator Villanueva described your bill as a budol bill na parang misleading daw po. Teenage pregnancy but inside, quote-unquote, the devil is in the details.

SRH: The devil is also inaccurate representation ng trabaho ng mga colleagues. There's nothing hidden about CSE sa bill. Bukas ang provision niya bilang isa sa mga supportive preventive mechanisms laban sa adolescent or pregnancy.

Ang totoong pangbubudol ay yung ginawa ng mga nag-fake news laban sa bill.

Ang totoong pangbubudol ay yung mga nagkalat ng disinformation at nanakot sa ating sambayanan sa pamamagitan ng kanilang social media operations.

Ang totoong pangbubudol ay yung mga nagsinungaling tungkol sa bill.

Halimbawa, dun sa original na Senate Bill 1979, sige nga, ituro nila kung nasa saan dun yung pagtuturo ng masturbation sa 0 to 4 years old o pagtuturo sa mga bata tungkol sa sexual feelings or sexual rights. Aba, inaminan nila sa isang later press conference nila na wala doon sa text ng original na Senate Bill 1979. So, sino ngayon ang nangbubudol?

Anyway, let's get back to the substitute bill. Lalo pa namin kinlaro, ang klaro na mula sa simula, bilang aming effort palagi na magbuo ng pagkakaisa dito sa Senado at sa ating publiko. Kasama yung mga kapwa-magulang natin, kasama yung mga guro, at syempre kasama yung ating mga adolescents para maampat na itong emergency at krisis sa ating mga kabataan.

Q: Do you intend to give copy nitong substitute bill kay Presidente? Kasi nantanungin siya kung maaari na bang magbago yung kanyang pananaw dito sa Bill na ito. Sabi niya, babasahin daw muna niya itong ifinal niyo na substitute bill.

SRH: Well, salamat naman sa Presidential Legislative Liaison Office o PLLO dito sa Senado, kinuha na po nila ang kopya at totoong kopya ng substitute bill ng Senate Bill 1979 mula dito sa Senado para ipadala po sa Office of the President.

Kaya, salamat naman at inaasahan ko na babasahin nga po ni Presidente ang aming substitute bill.

Q: And you're confident na yung misinterpretation sabi niya nga ng Pangulo doon sa bill ma-address ito doon sa substitute bill kapag nabasa na niya.

SRH: Definitely. Kung nabasa ni Presidente yung original Senate Bill 1979, at lalo na dito sa aming substitute bill, makaklaro sa kanya kung ano yung totoo na nandun sa bill namin, at ano yung mga kasinungalingan na ikinalat laban doon.

Q: What are your fears, ma'am since patapos na ang session at malapit na ang eleksyon? I saw yung pagschedule ng discussions sa plenary, parang ang tagal na siya nakabinbin.

SRH: Last year pa po.

Q: So what are your fears if this doesn't get out of the plenary? Ano yung kinakatakot ninyong when this happens? Sa tingin niyo ba hinaharang siya kaya hindi siya naseschedule na pagdedebatehan ng dire-diretso?

SRH: Yung scheduling ay matter, even in that small matter, matter din po ng aming priorities at political will dito sa Senado. Sa Senado, as anywhere else, kung gusto, may paraan. Kung may delay na nangyari, then maaring naging bahagi yun ng scheduling at priorities at exercise of political will.

Maiksi man na lamang itong particular session hanggang sa susunod na linggo, wala pong nagpipigil sa amin sa Senado, lalo na sa visa ng substitute bill na ischedule para sa pagpapatuloy na interpellation at ischedule para sa period of amendments na. Para doon, bukod sa mga amyendang ipinasok na namin at ipinasok na namin sa tulong ni Senate President, yung iba pang naisi ipanukalang mga amyenda ay pwedeng-pwede nang ihain sa floor ng mga kapwa ko senador.

At inuulit ko nung aking manifestation, nananatili akong bukas na i-consider at tanggapin. So, fears? Higit sa fears, malakas ang pag-asa ko sa ngayon sa bisa ng substitute bill, sa bisa ng hindi talaga ito binibitawan ng mga advocates ng pag-iwas sa teenage pregnancy para sa ating mga adolescents.

Oh, and sorry, dagdag lang po. At kahit pagkatapos ng kampanya at eleksyon, meron pang isa pang, bagamat maikling, session nitong 19th Congress para to do right by Filipino adolescents.

Q: Ma'am, dun sa pito na nag-withdraw ng signature, meron ba nag-express na na-intention na ibalik ang pirma dito sa substitute bill naman?

SRH: Wala pa naman, pero bukas naman yung pintu ko para makarinig ng ganyang magandang balita. Basta't na-appreciate ko yung nagsabi sa aking nagbusina na baka siya ay mag-withdraw ng pirma. Na-appreciate ko yung ilan na kinausap ako pagkatapos nilang mag-withdraw.

Ngayon, ito'y pagkakataon, a fresh start para sa aming lahat dito sa legislative history ng Senate Bill 1979 na nasimulan ng ma-interpellate sa nakaraang dalawang taon ng minority leader at ng majority leader pareho. Ngayon ay fresh start para mag-iwan ang Senado ng 19th Congress ng isang maganda at epektibo at makaPilipinong at makapamilyang legacy para sa mga Pilipinong adolescents.

Q: Ma'am, dating si CJ Sereno, actively talagang mga kanangampanya sa mga colleagues nyo dito sa Senate. So may intention na ba kayo? May plano na kayo makipag-dialogue sa kanilang grupo para i-present itong substitute bill?

SRH: Ang sino mang persons and groups of good faith ay pwedeng-pwedeng kumuha rin ng kopya ng substitute bill. Kung si Presidente nga nagpakuha ng kopya ng substitute bill, sila pa kaya?

At alam naman nila, available for public consumption sa Senate website, ang buong legislative history nitong Senate Bill 1979. Kung tingnan lang nila, nandyan na March 2023 ko pa po inisponsor ito. Kung tiningnan lang nila, sincerely, livestreamed sa Senate ang mga hearings at ang mga interpellation sa Senate Bill 1979. Kaya hindi rin nila pwedeng sabihin noon na nagulat daw sila at bigla na lang daw nasa second reading na ang Senate Bill 1979. No. Let's have some intellectual honesty here. Dalawang taon na po ito tinatalakay.

Kung at any point gusto nilang maimbita, pwedeng-pwedeng sabihin, lahat po ng nagpapainimbita sa alinmang pagdinig at interpellate sa bills, iniimbita po namin. Nag-imbita rin po kami sa mga hearings. Hindi lang ng mga sectoral, pati mga religious groups. So kung gusto sana nila noon, ang daling sabihin. Yung iba sa amin, may cellphone number pa po ng isa't isa, dahil sabay na tinalakay ang mga naunang issue sa nakaraang mga taon.

At kung bakit, di tulad sa isang colleague ko dito, hindi nila na kaya ng magbusina or humingi ng imbitasyon, eh ewan ko na po sa kanila. So, dialogue, ay nako, dalawang taon na sana pwede humingi ng dialogue, pauunlakan ko sana. Ngayon, nasa advanced stage na po ng legislation.

Mabuti siguro tulad ng Office of the President, kumuha sila ng kopya ng substitute bill at magkita-kita po tayo sa period of interpellation and amendment kung saan pwedeng magkaisa at magtulungan na makatotohanang pagandahin pa lalo ang substitute bill, alang-alang sa ating mga adolescents, alang-alang sa ating mga pamilyang Pilipino, na sinasabi namin pareho, kaya namin ginagawa itong legislative work na ito.

Q: Ma'am, merong victim survivors of sexual abuse in schools grupo ito. They said, lack of sex education makes youth easy targets for predators. So mukha ito supportado nila yung bill.

SRH: Yes, mukha at salamat sa kanilang implicit na suporta sa Senate Bill 1979. Talagang ang predators ay malamang karamihan ng mga tinukoy na much older fathers ng mga anak, ng mga teenage mothers. Overwhelming majority, kung maalala ko yung percentage, 80 plus or 90 percent ng mga ama, ng mga batang ina, ay much older than them. Way past, lampas dun sa binibigyang exception ng age of consent law, yung law against statutory rape, ay mga nagiging ama ng mga babies ng teenage mothers.

At totoo yung sinabi ng mga victim survivors ng teenage pregnancy dahil wala o kulang sila sa comprehensive sexuality education, dahil ipinapakita ng mga datos na only 12.5 percent ng mga kabataang Pilipino ay napaguusapan ng maluwag ang tungkol sa sexual and reproductive health sa kanilang mga tahanan, sa ating mga magulang nila. Dahil sinasabi din ng mga magulang sa mga surveys na 2 out of 3 sa amin ay gustong kausapin ng ating mga anak tungkol sa sexuality nila at reproductive health nila, pero kulang ang ating kakayahan. Dahil 2 out of 3 or basta mataas na percentage ng mga magulang ay nagsabing suportado natin na magkaroon ng comprehensive sexuality education sa mga paaralan. Edi gawin po natin iyan, sa pamamagitan din nitong Prevention of Adolescent Pregnancy Bill.

Dahil ang CSE ay hindi bago sa Senate Bill No. 1979. 2014 pa nirule ng Korte Suprema na constitutional ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law, kasama ang comprehensive sexuality education bilang isa sa mga probisyon niya. 2018 pa inooffer, seven years, more than half a decade, inooffer ng Department of Education ang kanilang mga curricula sa comprehensive sexuality education sa limang subject sa ating mga paaralan.

So, nais lang namin patuloy na suportahan, magbigyang daan ng improvements dito sa Prevention of Adolescent Pregnancy Bill para marinig at matugunan ang tinig nitong mga biktima ng adolescent pregnancy na dahil lamang sa kakulangan ng comprehensive sexuality education, na sana ay naiwasan nila kung may CSE para sa kanila, para sa atin, na kanilang mga magulang, para sa kanilang mga guro, e di sana hindi namuo ang isang national at social emergency.

Q: Balikan ko lang po yung isang senador po na nag-advise po bago po mag-withdraw and may we know po kung sino po yung senador na yun and ano o paano po yung naging approach niya po sa inyo?

SRH: Tanungin, tanungin nyo na lang po sila kung sino kaya sa kanila. Basta ngayon pa lang at alam naman niya kung sino siya paulit-ulit kong sasabihin. Sinabi ko na rin naman po nung kami nag-usap, na-appreciate ko po siya. At iniimbita ako talaga siyang basahin din yung substitute bill. Malay po natin ibalik niya yung kanyang pirma.

Q: I just wanted to ask, nakausap niyo po ba si Education Secretary Angara tungkol nun sa original bill and now this substitute bill? Did you get his thoughts on this po?

SRH: Hindi ko pa siya nakakausap personally mula nung sumabog itong bagyo ng mga fake news. Pero nasusubaybayan ko po ang kanyang mga pananalita sa media bilang din isa sa mga pumirma sa committee report, at na-appreciate ko po yung kanyang mga inputs bilang kalihim ngayon ng Department of Education, na sinabi niya nung binasa niya muli yung Senate Bill 1979 na kanyang pinirmahan noon, ay wala nga yung mga kasinungalingang kinakalat laban dito.

Sinabi nga niya na, of course, bilang alter ego ni Presidente, pinakinggan niya ang concerns ni Presidente. At na-appreciate ko yung sinabi niyang patuloy na ang ipatutupad ng Department of Education na comprehensive sexuality education ay magiging sangayon sa Konstitusyon, hindi magpapapasok ng anumang hindi karapat dapat sa ating mga estudyante at iti-take into consideration siyempre ng department yung sentiments ni Presidente.

At na-appreciate ko po ang lahat ng iyon dahil nga po si Secretary Angara ay co-author, hindi lamang po siya pumirma ng committee report, siya po ay co-author noong simula ng Senate Bill 1979. Yung kanyang resolution, na inihain noon na nagpapahayag ng concern sa namuong national and social emergency ng teenage pregnancy, yung resolusyon niyan iyon ay sinubstitute paloob sa committee. So yung spirit nung resolusyon ni at pag-co-author ni Secretary Angara ay nakapaloob pa rin sa substitute bill ngayon.

Q: So they're implementing CSE now po based on DO 31, yung Deped Order nga po. Nabasa nyo na po ba to? And did you apply any of the things that you think may be improved sa substitute bill po?

SRH: Nabasa din po namin yung department order sa paghahanda nung substitute bill at yung diwa po nun ay reflected nga sa mismong proseso namin ng pagbubuo at pag-file ng substitute bill na binibigyan namin ng higit na leeway o flexibility yung implementors sa pangunguna ng Department of Education, pati sa patuloy na pagtukoy, pagdagdag man o pagbawas o paglikha ng mga subjects kung saan idadaloy ng DepEd yung Comprehensive Sexuality Education bilang tulong sa ating mga estudyante na umiwas sa teenage pregnancy. And dagdag po dyan, yes, Senate Bill 1979 ay nag-be-build on lamang dun sa pagpapalawak nga ng coverage.

Ah, ito importante po. Dahil yung comprehensive sexuality education natin sa kasalukuyan sa DepEd para sa mga estudyante, pero ang Senate Bill 1979 pinapalawak po yung kinakailangang coverage sa mga out-of-school youth at sa ating mga magulang nila at ng ating mga kabataan at sa mga guro ng ating mga estudyante.

Q: You mentioned na dito sa substitute bill, tinanggap niyo yung mga amendment ni SP para lang kasi isa siya mga umayaw nung una. Pero ano yung kanyang commitment considering na yung na barely two weeks na lang yung natitirang sesyon? Yung chances of winning dito sa bill na ito, considering na tinanggap niyo naman yung gusto niyang mangyari? May commitment ba for the passage of the bill?

SRH: In fairness kay SP, hindi naman siya kumontra sa Senate Bill 1979. Sinabi lamang niya na dumadaan ito sa legislative process at hinihintay niyang malaman kung yung kanyang mga proposed amendments ay ipinasok nga sa Senate Bill. At yun po ay klarong nakareflect sa substitute bill.

So ako po'y umaasa na bagamat, oo tulad ng napag-uusapan natin, maiksi at umiiksi ang panahon ng buhay ng 19th Congress ng Senado. Pero gaya nga ng sinabi ko, nasa political will naman namin yunnitong nakaraang mga araw lamang. Nakita nyo naman kung paano nagpursigit talaga kami sa parami ng paraming bilang na mga bills. Nagpapagabi po kami para talakay na mga ito at iusad dito sa legislative process.

So wala pong nagpipigil hanggang sa susunod na linggo pati dun sa susunod na sesyon pagkatapos ng eleksyon na i-exercise namin yung political will bilang mga magulang din, bilang mga partners sa edukasyon ng aming mga guro alang-alang sa ating mga adolescents.

And speaking of political will, edi sino pa po ang pinaka nag-exercise ng political will at leadership dito sa Senado? Walang iba kundi kay SP. So, katulad nung lubos na

appreciation ko sa pagbibigay niya ng espasyo sa pagtatalakay nitong mga isyong bumalot sa Senate Bill 1979, yung appreciation ko na pasok siya ng mga amendments

sa naging substitute bill, umaasa ako sa kanyang liderato na patuloy buksan ang espasyo para sa legislative process, normal na legislative process sa Senate Bill 1979.

Sana, bagamat ng normal na legislative process, huwag po namin kalimutan, tinatrabaho namin ito sa gitna ng isang krisis, sa gitna ng isang emergency. So, a bit more urgency, sense of urgency, please, mula sa mga kasama sa Senado.

Q: Okay. Kasi mag-other topic na tayo. Ma'am, do you believe na itong issue na ito magiging campaign or election issue?

SRH: Oh, well, kung gawing election issue ito ng ating mga kabataang Filipino at estudyante, kung gawing election issue ito ng mga magulang, kung gawing election issue ito ng ating mga guro, at kung gawing election issue ng iba't iba pang mga sectoral organizations at pati faith-based organizations na naniniwalang responsibilidad natin bigyan ng comprehensive at makataong edukasyon ang ating mga anak at ating mga estudyante tungkol sa lahat ng aspetong kinakailangan nila para maging maalam at gumawa ng informed at responsible decisions sa sarili nilang mga katawan, buhay at pag-unlad bilang mga tao at mamamayan, that would be very welcome.

Q: Okay. Ma'am, other issue, bilang naging member ng BICAM panel sa 2025 budget, although hindi kayo nag-sign dun sa bicam report.

SRH: Hindi po ako pumirma sa bicam.

Q: Pero meron mga nag-iingay, may kumukwestiyon, may mga nagsasabi na dapat daw pa walang visa dahil hindi daw dumaan sa tamang proseso itong 2025 budget. Do you think hindi nga dumaan sa tamang proseso itong 2025 budget?

SRH: Well, as far as I could see and experience sa aking personal knowledge - bilang vice chair ng Committee on Finance kaya nag-sponsor ng ilang mga budgets ng ating mga departamento at ahensya, bilang miyembro ng Senate contingent ng Bicameral Conference Committee, bilang nag-signify at talagang hindi pumirma sa Bicam version, dahil sa maaga nakita kong mga issue ng pag-defund ng PhilHealth, hindi pagbibigay ng top budgetary priority sa edukasyon ayon sa ating Konstitusyon, dahil binawasan ang budget para sa 4Ps; bilang kasama ng minority leader kong si Senator Koko Pimentel, bumoto ng "No" sa General Appropriations Act ng 2025, dahil din sa mga isyung iyon, batay sa lahat ng mga personal knowledge ko dyan - hindi ko masasabing meron akong nakitang kahit isang blank line doon sa GAAN na ipinasa ng Kongreso ng ating Republika.

Mahirap din namang sabihin ipawalang bisa ang GAA ng 2025 dahil ang implikasyon niyan ay magkakaroon lamang tayo ng reenacted budget. Laging hindi yan ideal situation para sa kahit anumang gobyerno.

Pero napakaseryoso ng ganitong issue at mga tanong na sa kabila ng mga paliwanag ay patuloy na nire-raise. So katulad ng iniintay ko yung sinabi ng mga advocates groups at kritiko na, well, sa Korte Suprema dahil sa tingin nila may mga unconstitutional na aspeto ng GAA 2025, iniintay ko rin na maklaro talaga itong issue, seryosong issue, concern na nire-raise na merong daw blank lines sa GAA.

Q: Pero Ma'am dun sa labasan nyo, wala kayo nakita na blank item o blank line?

SRH: Hanggang sa punto na bumabasa at nagdedepensa o kahit pala sa mga plenary interpellations, marami rin akong ininterpellate ng mga budget ng ibang mga department at ahensya, hindi lang yung mga inisponsor ko na mga budget, hanggang sa huling bicam meeting na dinalohan ko, wala akong nakita doon sa working drafts na tinatrabaho namin na blank lines.

Q: Actually, we know about the allegations of Representative Ungab and former President Duterte. So we checked the bicam, sa bicam po yung blank items sa special amendments to the provisions. And supposedly the blank items for irrigation, coconuts, fertilizers, et cetera.

So my first question is, does this mean that ito sa mga itens, ito ba yung mga graft-prone items? Kaya blangko? Kasi there's an allegation na blank checks daw siya so that favored politicians can fill in the amount they want from that project.

And my second question is, sabi ni SP, dahil daw sa pulitika at malapit ng eleksyon. Do you agree? And do you find Duterte and Ungab credible critics of the budget? Thank you.

SRH: Sa pagkakakilala ko kay Representative Ungab, isa siyang seryoso mambabatas. Please don't ask me if I find Duterte credible. Alam niyo na isang sagot diyan. Na ito ay isang pulitikal na isyu dahil papalapit na ang eleksyon. Of course, halos anything and everything sa pulika at pag-gogobyerno ay pulitikal.

Pero, higit-higit sa pagiging pulitikal, ito naman po ay usapin ng buwis ng mamamayan. Ito ay usapin ng pera ng pag-goyerno na taon-taon sinasabastas ng Kongreso. Sa paano dapat ito ginagagastos? At paano dapat ito [inaudible] sa nakaraang mga taon.

Kaya lalo na dahil ito ang seryoso issue at tanong, kailangan naming harapin mas doon sa frame of mind na ito na i-account namin ito. Di lang sa buong gobyerno pero i-account namin ito sa mga mamamayan na nagbuwis para makalap ang mga pondong ito. Para sa kanila, sinasabi namin na dapat ginagastos ang pondong ito.

Q: Ma'am sinong dapat mag-explain sa mga blanks na ito? Kasi ma'am, parang ang argument is ang pinakabunga naman ng budget is the GAA itself, yun lang ang pwedeng ihabla. But still, mayroon pa ring mga issues ng blank lines. So who should explain or who should be explaining? Mayroon ho bang na-violate na mga procedures sa paggawa ng budget?

SRH: Balikan ko lang po, nakalimutan kong sabihin na graft prone yung mga blank check, alleged blank lines na iyon. Kung napatunayan na mayroon talagang mga blank lines, doon tayo dumako sa pagsusuri kung kaya ba ay blinank check dahil yan 'di umano ay graft prone. And then sorry, pakiulit lang po yung tanong.

Q: Ma'am sino dapat mag-explain? How should this be explained? Kais yun ang sinasabi nga po, ang ending naman ng budget is the General Appropriations Act, yun lang ang pwedeng ihabla. But still, there's this issue of the bicam report having blank lines.

SRH: Well, dahil GAA ang kinikwestiyon, dahil GAA ang maaaring ihabla, kami sa Kongreso ang kailangan magpaliwanag at mag-account. Dahil batas namin ito eh. Taunang batas namin ito eh. Or kung pirmahan pa rin ni Presidente, kung hindi pa nasagot yung mga tanong o hindi pa nalinaw ang mga issue, so magiging accountable din siya. But at this point in time, gaya ng sinisimulan ng gawin ng liderato dito sa Senado, kami sa buong Kongreso ang kailangang magpaliwanag.

Kasi inaprubahan ng Kongreso ito, ang GAA 2025. So bagamat nag-no kami ni Senate Minority Leader Senator Koko, ito ay pinasa bilang batas ng buong Kongreso. So ang buong Kongreso ang kailangang magpaliwanag with the responsible leaderships. So nagsimula nang magpaliwanag ang Senate President, nandoon ang Speaker sa kabilang kapulungan, yung aming bicameral conference committee kung saan ako ay naging miyembro, bagamat sinabi ko at ginawa kong hindi ako pipirma sa bicam version. So at this point in time, sa kumbaga legislative status din ng GAA 2025, ang buong Kongreso po ay kailangang sumagot at magpaliwanag.

Q: How detailed should the explanation be, ma'am? Kasi di ba kailangan ipakita yung stages as to what happened, kailan nangyari yung blanko, kailan to na-fill out?

SRH: Public document po ang GAA at 2025. Public document siya kapag ginagastos na sa fiscal year kung para kailan siya ipinasa. Public document, kaya nga't nao-audit din ang Commission on Audit at pwedeng hingiin ng mamamayan at sigurado ginagamit naming mga mambabatas tuwing dinedebate namin yung GAA para sa susunod na taon.

As detailed as the questions may be, then kasing detalyado maaring o dapat gawin ang aming mga sagot. Dahil nga, ang ina-appropriate namin ay buwis ng mamamayan. Dahil ang ina-appropriate namin ay pondong hahawakan ng executive at gagastusin nila. So these are all matters of public knowledge.

Q: Some of the most contentious items in the budget came from the bicam report. There are some people who say that it needs to be more transparent. What changes do we need to enact about the bicam process?

SRH: I totally agree. It needs to be more transparent. And in fact, nagsimula akong lumahok sa bicam nung nakaraang taon, na may pag-asang na gagawa nga naming mas transparent. Dahil hindi na lang namin ginawa na ceremonial opening and then ima-mandate ng magkaparehong panel, yung chairs namin, na sila na lamang magpatuloy sa substantive portion ng bicam conference committee. And then magre-reconvene na lang kami para in effect i-ratify yung naging deliberasyon nila.

Last year, para sa GAA para sa ngayong taon, nakita niyo naman na umupo kami en banc dalawang beses. Nga lang dahil lumabas yung ganyang mga tanong na pinag-uusapan namin, mukhang hindi pa namin na-gain yung buong public trust na talagang naging transparent at accountable yung prosesong ito. So ibig sabihin, may improvement pa rin talaga kaming gawin mismo sa proseso at hindi lamang sa naging resulta.

Q: What kind of improvements would you suggest?

SRH: I suppose, possibly ha, kasi pag-uusapan pa namin ulit ito ng Minority Leader ko dahil kami po ang nag-advocate sa loob ng Senado mula pa nung two years ago na gawing full bicam to full bicam talaga ang bicam at hindi lamang chair to chair.

Pero off the top of my head, subject to discussion with Senator Koko, posibleng ang bicam ay talagang at least ministerially daanan ang bawat agency budget para lang siguraduhin wala nang natitirang tanong at proposed amendment within the bounds already of the GAA ha. Dahil wala namang third house ang ating Kongreso. The bicam is not a third house. Dalawa lang ang kapulungan. Senate lang at House of Representatives lang.

So baka posibleng ministerially daanan ng bicam agency by agency ang budgets and then doon nga talagang mag-debate, Senate vis-a-vis House, doon sa mga agency budgets na mayroon talagang substantive or even procedural na mga kailangan debatihan.

Q: Ma' am pabor po ba kayo sa panawagan ni dating Sen. Ping Lacson na once and for all magkaroon ng comparison yung enrolled bill at ng bicam report dahil ang bicam report naman na hindi na for amendment, it's only for ratification or rejection.

SRH: Sure. Sang-ayon ako kay dating Senador Ping, bilang isa sa, historically, sa buong kasaysayan ng Senado o ng Kongreso pa, naging isa talaga sa very focused, masinop, consistent, na nagsusubaybay at nagkikritiko para i-improve ang budget process. I really welcome yung panukala nilang iyon.

Q: Ma'am yung proposed bill ng Meralco para sa renewal ng kanilang franchise, kayo ay nag-interpellate, pero ngayon nasa second reading na o period of amendments. Boboto ba kayo o dapat mag-commit muna ang Meralco doon sa panawagan niyo na i-refund yung P100 billion overcharge sa mga consumer?

SRH: Dapat munang pag-usapan at pagkasunduan ang pag-refund ng mga P100 billion pa na pagkakautang ng Meralco sa mga customers niya. Bunga ng overcharging na tinalakay ko isa-isa, kasi tatlo yun na sources of overcharging na nagawa nila sa loob ng halos isa't kalahating dekada mula pa noong mga 2011 o 2012. So napuna yan yung iba't iba, tatlong paraan ng overcollection ng Meralco.

Unang-una na, gumagamit siya, at inamin niya ito, gumagamit siya ng nominal weighted average cost of capital, sa halip na yung real WACC. At dahil hindi po nasunod ang isang rule ng Energy Regulatory Commission, kaya hindi nabigyan ng daan yung rekomendado pala ng isang consultant ng Meralco noon na mas mababang WACC. Eh alam naman natin sa larangan ng Matematika, basta may isang factor or variable sa formula na magbago or bumaba, halimbawa, yung end product ay bababa rin. So, dapat pala, kung nabigyang daan yung mas mababang WACC na rekomendado ng consultant ng ERC noon, bumaba sana yung bill na buwan-buwan ng customer ng Meralco.

Pangalawa, allegedly, at ito yung itinanong ko at hindi ito napasinungalingan ng resource persons noong interpellation, nago-overstate ang Meralco ng kanyang regulatory asset base o RAB. Yun po yung halaga ng kanyang kabuuang assets kasama po yung kanyang equipment at kanyang infrastructure para mag-justify ng pagpataw ng mas mataas na presyo.

Third at last na source ng overcharging, effectively, at ito ang inamin ng Meralco sa interpellation, effectively, nagcha-charge 'di minsan, pero dalawang beses ang Meralco sa consumers niya para sa inflation. Bagamat nangako sila na hindi na, simula susunod na buwan ng Pebrero, hindi na magpapatuloy ang ganitong practice, pero inamin nila na ginagawa pala nila ito sa nakaraang mga taon.

Oo nga't sinabi ng Meralco, mayroon na silang refunds na isinagawa. So una, yung P40.5 billion, nagsimulang i-refund noong 2021 at may kasunod na P7.7 billion. Kaso, sa pag-aaral ng mga industry experts, may tinatayang P150.8 billion ang overcollection ng Meralco. Kaya nga sinabi ko sa simula, meron pa silang mga P100 billion na dapat i-refund sa mamamayan.

At kahit sa pagsasara ng interpellation ko, bilang pinakamalaking distribution utility sa ating bansa, dapat ang Meralco ay katulong ng pamahalaan sa paghatid ng maaasahan at tamang presyong kuryente. Eh kaso mukhang mismo ang Meralco ang sumusuway pa sa mga regulasyon sa ngalan ng mas malaking kita. At karapatan lamang po ng taong bayan maibalik sa atin ang bawat piso na dapat lamang isaoli ng Meralco, lalo na humihingi pa sila ng bagong prangkisa.

Q: So ma'am, will you support the approval ng franchise renewal bill ng Meralco kung may commitment po ba sila na ire-refund yung about P100 billion?

SRH: Wala pa silang commitment nung interpelation sa pag-refund ng mga P100 billion pa. Kaya yan po ang aking ifa follow-up sa period of amendments.

Q: Kung walang maging commitment, ma'am?

SRH: Kung walang maging commitment sa pagwasto sa nakaraang charging practices, parang ang hirap namang isipin na magkaroon ng bagong prangkisa. Diba? Ang pagkakamali at pagkukulang ay dapat iwinawasto. Hindi po yan dapat nire-reward.

Q: Ma'am, on the issue of espionage. Kasi sunod-sunod yung mga naku-confiscate na materials, kasama pa yung lately, yung sa Masbate, 'di ba yung underground drone o underwater drone. Ito ba dapat, number one, dapat ba tayong mabahala dito? At pangalawa, ano yung dapat gawin ng gobyerno na kumbaga parang nandito na? This is it.

SRH: This is it talaga. Kaya umaasa ako na yung Department of National Defense ay on top, kasama ng iba pang mga kaugnay na agencies, on top of a process na dahil nakakabahala na talaga, a process na palakasin yung ating Anti-Espionage Law.

Dahil nga bukod sa yung drone na yan na nahanap off Masbate, bukod sa patuloy na materyales na nakakalap at nasasawata ng ating law enforcement agencies. Andyan pa rin yung monstership ng Chinese Coast Guard sa loob ng ating teritoryo. Hindi pa rin naaampat yung mga dating POGO na nagsusubok ngayon magbagong anyo bilang special BPO o kung ano paman. Meron pang kamakailan lamang naarestong Chinese national na pinaghihinalaang isang espiya.

So kailangan talaga na balik-aralan at amyendahan para i-update sa panahon ngayon

at mga sirkumstansya ngayon yung Anti-Espionage Law.

Q: So mga kaugningan ng mga concerns nukul sa presence ng mga suspected Chinese spies, yung pong Department of Labor and Employment, yung kanilang regulations on the employment of foreigners in the country have been revised by the DOLE. Sabi nila, yung new Alien Employment Permit guidelines will rationalize requirements and streamline the processing of work permits for foreigners. So, welcome development po ba yan?

SRH: Welcome development po yan dahil nakita natin siguro three years ago pa dun sa investigation sa bahagi pa rin sa POGO investigation ng Senate Committee on Women, partikular dun sa Pastillas Scam, yung visa upon arrival, na naabuso, na naabuso yung ating mga immigration documents at pati yung Alien Employment Permit para bigyang daan ang POGO, yung mga kaugnay niyang mga krimen at yung pagpasok ng napakaraming dayuhan na hindi dumadaan sa regular at dapat na immigration processes.

Q: Kasi diba in one of the session days in the past, doon sa case nung naga-apply ng citizenship related sa POGO, si Li Duan Wang, na nagpapakilalang Mark Ong. At kinu-question yung papel niya sa POGO, hindi dapat mabigyan ng citizenship. Ano ang status niya ngayon nito? At paano nating gawin na maliban sa kanya, may iba pa to apply for Filipino citizenship with supposedly questionable integrity?

SRH: At may nauna na. Remember Guo Hua Ping na nasa bilangguan ngayon at dumadaan sa dumadaming kaso, abot na siguro sa sampu, kasama yung usapin ng kanyang pekeng Filipino citizenship. Kaya nanawagan ako sa mga kasamahan ko, ngayong bubuksan na ang period of amendments diyan sa citizenship bill kay Wang Li Duan na huwag naman po tayo sana magpaloko dahil napakaraming red flags tungkol dito kay Wang Li Duan na tila konektado nga sa mga POGO actors. Kaya nananawagan ako na ipagkait ng Senado ang Filipino citizenship sa kanya.

May mga litrato itong aplikante na kasama si Duan Ren Wu sa isang exclusive Nine Dynasty Casino grand launch sa Clark, Pampanga. Maalala din po natin si Duan Ren Qu, ninong ni Cassandra Li Ong, konektado sa POGO sa Porac, Pampanga na enmeshed ngayon sa isyu at kaso ng human trafficking. Yung Nine Dynasty Casino ay yung huling malaking actor ng POGO na lumabas sa huling hearing namin laban sa POGOs.

Sa application ni Mr. Wang para sa naturalization, hindi niya dinisclose na junket operator siya para dyan sa Nine Dynasty. So bakit kung talagang hindi ilegal o legal ang junket, e di bakit niya inilihim at hindi dinisclose? Meron ba siyang kababalagahang ginagawa dito sa ating bansa?

Si Wang, identifying as Mark Ong, ipinakilala niya ang sarili niya bilang Filipino citizen. Filipino citizen na sa Articles of Incorporation at bylaws nung isa sa mga kumpanya niyang Avia International Club, na muli itong Avia hindi rin niya dinisclose sa kanyang naturalization application.

So, ano ba talaga kuya? Ikaw ba'y naga-apply na maging Filipino citizen dito pa sa Senado? O ikaw ay Pilipino na tulad sa sinulat mo at pinirmahan sa mga dokumento mo sa Avia?

Itong kumpanya niya na Avia International Club, associated din po sa Yatai Spa, na konektado naman dun sa self-confessed Chinese spy na si She Zhijiang. At yung Avia at yung Yatai, iisa lang ang building space nila dito sa Pasay City.

Isa pang red flag, itong si Wang Li Duan, hindi lang iisa, tulad natin, kanyang TIN. Several ang kanyang taxpayer identification numbers. Bawal po yun sa ilalim ng ating batas. So bakit meron siyang mga ganito? Hindi po legal ang pagkakaroon ng napakaraming TIN.

Nakakabahala din po, last but not the least, ang affiliation niya sa Philippine Jinjiang Yu Shi Association na sinasabing kaugnay ng united front work ng Communist Party of China.

Kaya maitatanong, kung mabibigyan siya ng Filipino citizenship ng Kongreso, saan yung kanyang loyalties? Sa Pilipinas ba talaga o sa China pa rin? At nakaka-shock na naka-advance siya ganitong kalayo sa naturalization process kahit ang dami-daming red flags sa kanyang background. Hindi lang ito simpleng pamemeke ng citizenship sa isang local civil registrar sa isang probinsya natin, dito mismo sa Senado at House of Representatives. So huwag po sana tayong magpaloko dito.

News Latest News Feed