Press Release
January 16, 2025

Sen. Robin Pushes Legislation Allowing Online Access in Sharia Courts

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Wednesday night pushed anew for online or paperless access of Filipino Muslims in Sharia courts.

In his sponsorship speech for Committee Report 237 for Senate Bill 2613, Padilla said it is time to address the 15-year-old challenge facing Muslim Filipinos in submitting documents to Sharia courts.

"Dahil po dito, bahagi ng panukang susog sa R.A. No. 9997 ay pagbuo ng digital platform upang mapayagan na po ang paperless filing ng mga pangkaraniwang mga dokumento sa Shari'ah Courts tulad ng marriage certificate, birth certificate, death certificate, pleadings and other court submissions. Sa hakbanging ito ay magiging kaakibat po natin ang isa sa mga ahensya ng pamahalaan: ang Department of Information and Communications Technology o DICT (Because of this, I push for a digital platform allowing the paperless filing of documents in Sharia courts including marriage certificate, birth certificate, death certificate, pleadings and other court submissions. Our partner will be the Department of Information and Communications Technology)," he said.

"Naniniwala po akong isang mabisang hakbangin ang panukalang ito upang maisabay sa modernisasyon ng mga proseso at operasyon ng Korte (I believe this will be an effective way to help modernize our courts' processes and operation)," he added.

Padilla noted the Supreme Court has a Strategic Plan for Judicial Innovation 2022-2027.

Also, he pointed out the current lack of resources and limited access of Muslim Filipinos in filing and submitting documents to Shari'ah Courts.

"Dahil dito, simple lamang po ang ating kahilingan - ang bigyan ng legal na kapangyarihan ang Bureau of Legal Affairs upang makapaghatid ng administratibong tulong sa ating mga kababayan (Because of this, I have a simple request - that the Bureau of Legal Affairs be given powers to provide administrative assistance to our people)," he said.

Padilla said this will not cause confusion in court regulations.

Meanwhile, Padilla sought coordination between the Philippine Statistics Authority and National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) on data about Muslim communities at the national, regional, provincial, city and town levels.


Sen. Robin, Itinulak ang Online Access sa Sharia Courts

Para sa kapakanan ng mga Pilipinong Muslim, itinulak ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Miyerkules ng gabi ang online o paperless access nila sa mga Sharia courts.

Sa kanyang sponsorship speech para sa Committee Report 237 na naglalaman ng Senate Bill 2613, iginiit ni Padilla na oras na para tugunan ang 15 taong hamon sa epektibong pagsusumite ng dokumento sa korte ng Muslim.

"Dahil po dito, bahagi ng panukang susog sa R.A. No. 9997 ay pagbuo ng digital platform upang mapayagan na po ang paperless filing ng mga pangkaraniwang mga dokumento sa Shari'ah Courts tulad ng marriage certificate, birth certificate, death certificate, pleadings and other court submissions. Sa hakbanging ito ay magiging kaakibat po natin ang isa sa mga ahensya ng pamahalaan: ang Department of Information and Communications Technology o DICT," aniya.

"Naniniwala po akong isang mabisang hakbangin ang panukalang ito upang maisabay sa modernisasyon ng mga proseso at operasyon ng Korte," dagdag niya.

Ani Padilla, may inisyatibo ang Kataastaasang Hukom na Strategic Plan for Judicial Innovation 2022-2027.

Ipinunto din ni Padilla ang hamon ng kakapusan ng resources at limitadong access sa pagfile at pagsusumite ng mga Pilipinong Muslim sa mga Shari'ah Courts.

"Dahil dito, simple lamang po ang ating kahilingan - ang bigyan ng legal na kapangyarihan ang Bureau of Legal Affairs upang makapaghatid ng administratibong tulong sa ating mga kababayan," aniya.

Tiniyak ni Padilla na hindi ito magdudulot ng kalituhan o kaguluhan ang batas na ito sa regulasyon ng Korte.

Nagmungkahi din siya ng koordinasyon sa pagitan ng Philippine Statistics Authority at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) para sa datos tungkol sa pamayanan ng Muslim mula sa lebel ng nasyunal, rehiyon, probinsya, siyudad at mga bayan.

News Latest News Feed