Press Release
January 15, 2025

Sen. Robin Seeks Commendation for Fishermen Who Recovered Drone off Masbate

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Wednesday pushed for a commendation for the fishermen who recovered a suspected spy drone off Masbate last December.

Padilla made a motion to the effect during a hearing of the Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones at the Senate.

"Nais ko magbigay ng motion sa pagbibigay ng parangal sa ating mangingisda na nagpakita ng katapangan at pagmamahal sa bayan (I wish to move for giving our fishermen a commendation for their courage and love of country)," he said.

"Ako po saludo sa inyo. Karapat dapat kayong bigyan ng parangal (I salute you. It is only fitting that you are commended)," he told the fishermen at the hearing.

Meanwhile, Padilla appealed to the public not to spread false information about the drone, especially as Philippine authorities are still analyzing it.

"Ito ay talagang may kinalaman sa ating seguridad. Pero huwag tayo patalon-talon sa mga kwento-kwento. Tama na po ang mga kwento-kwento (This has something to do with our national security. But let us not jump into conclusions based on fake news and speculation)," he said.


Sen. Robin, Nais Bigyan ng Parangal ang Mangingisdang Nakarekober ng Drone sa Masbate

Nais bigyan ng parangal ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla ang mga mangingisda na nakarekober sa hinihinalaang spy drone sa Masbate noong Disyembre.

Isinulong ito ni Padilla sa pagdinig ng Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones sa Senado nitong Miyerkules.

"Nais ko magbigay ng motion sa pagbibigay ng parangal sa ating mangingisda na nagpakita ng katapangan at pagmamahal sa bayan," aniya.

"Ako po saludo sa inyo. Karapat dapat kayong bigyan ng parangal," diin ng mambabatas sa mga mangingisda.

Samantala, nanawagan si Padilla sa publiko na huwag magkalat ng maling impormasyon tungkol sa drone, lalo na't pinagaaralan pa rin ito ng mga awtoridad ng Pilipinas.

"Ito ay talagang may kinalaman sa ating seguridad. Pero huwag tayo patalon-talon sa mga kwento-kwento. Tama na po ang mga kwento-kwento," aniya.

News Latest News Feed